November 26, 2024

Home BALITA National

Pagbaha sa ilang kalsada sa Metro Manila, nagdulot ng pagbigat ng trapiko

Pagbaha sa ilang kalsada sa Metro Manila, nagdulot ng pagbigat ng trapiko
freepik

Dulot ng magdamag na pag-ulan, ilang pangunahing kalsada sa Metro Manila ang binaha at nagdulot ng pagbigat ng trapiko, Miyerkules, Agosto 28.

Nagsimula ang malakas na pagbuhos ng ulan Lunes, Agosto 27, 2024 bandang 11:00 ng gabi. Kabilang ang bahagi ng Araneta Avenue sa Quezon City ang binaha. Halos zero visibility ang Commonwealth Avenue at Elliptical road na nagpahirap sa mga motorista hanggang madaling araw. Pahirapan din ang mga motorista sa Sto. Domingo Avenue na pinili na lamang hindi suungin ang baha. Umabot naman sa halos baywang na tubig ang nasa Moranto Street kung saan isang kotse ang nalubog sa baha.

Samantala, bunsod nang pag-apaw ng isang creek, hanggang tuhod na rin ang baha sa kahabaan ng Mayasan Road sa lungsod ng Valenzuela.

Tukod na rin ang trapiko sa MacArthur Highway dahil sa gutter na baha.

National

Amihan, ITCZ, magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa – PAGASA

Gutter deep level na rin ang ilang ruta sa Maynila katulad na lamang sa kahabaan ng Taft Avenue at España Boulevard.

Naglabas na rin ng anunsyo ang Malabon City kung saan nakakaranas ng 3 inches hanggang 12 inches na taas ng baha sa ilang ruta katulad ng Acacia, Catmon at Dampalit.

Kasalukuyang nakaantabay ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) iba’t ibang lugar sa Metro Manila dahil sa patuloy na banta ng pagbaha.

Kasunod nito, ilang bayan na rin ang nagkansela ng pasok ngayong Miyerkules, Agosto 28, 2024. 

BASAHIN: WALANG PASOK: Class suspensions ngayong Miyerkules, Aug 28

Kate Garcia