January 22, 2025

Home BALITA National

Ka Leody kay VP Sara: 'Defend or defund?'

Ka Leody kay VP Sara: 'Defend or defund?'
photos courtesy: Ka Leody de Guzman, House of Representatives/FB

Para kay Ka Leody de Guzman, tungkulin daw ni Vice President Sara Duterte na ipaliwanag kung saan gagastusin ang iminumungkahing ₱2 bilyong budget ng Office of the Vice President (OVP) para sa 2025. 

Matatandaang tinalakay ang naturang budget sa isinagawang hearing nitong Martes, Agosto 27, kung saan hindi sinagot ni Duterte ang mga katunungan ng mga mambabatas tungkol dito. 

Sa isang pahayag, sinabi ni Ka Leody na tungkulin ng bise presidente na ipaliwanag kung saan gagastusin ang naturang pondo dahil ito raw ay "public fund" at hindi personal na pera.

"Ang hinihinging pondo ng Office of the Vice President ay “public fund”. Hindi personal na pera. Kinakaltas sa ating mga sweldo. Ating binabayaran sa bawat pagbili ng mga produkto. Tungkulin ni VP Sara na ipaliwanag kung saan ito gagastusin," anang labor leader.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Dagdag pa niya, kung ayaw raw ni Duterte na depensahan ang iminumungkahing budget, huwag na raw paglaan ang opisina nito ng budget mula sa kaban ng bayan.

"Kung ayaw depensahan, kahit piso ay huwag paglaanan mula sa kaban ng bayan! Full transparency sa pondo ng gobyerno. Ipagbawal ang 'confidential' at 'unprogrammed' funds na bagong anyo ng pork barrel para sa patronage politics ng mga trapo," wika pa ni Ka Leody.

KAUGNAY NA MGA BALITA:

BASAHIN: NAGKAINITAN?! VP Sara, kinuwestiyon kung bakit nakaupo pa rin si Rep. Castro sa Kongreso

BASAHIN: VP Sara, 'wag daw mag-ugaling pusit sey ni Rep. Castro