November 26, 2024

Home BALITA National

'Isang kasinungalingan!' PNP, pinabulaanang bobombahin ang KOJC compound

'Isang kasinungalingan!' PNP, pinabulaanang bobombahin ang KOJC compound
MB file photo

Pinabulaanan ng Philippine National Police (PNP) at sinabing 'isang kasinungalingan' ang lumalabas na balitang bobombahin umano nila ang Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound sa Davao City, nitong Miyerkules, Agosto 28.

Sa ulat ng One Mindanao ng GMA News, sinabi ni P/Maj. Catherine dela Rey, PRO11 Spokesperson, na isang kasinungalingan ang pinalalabas umano ng KOJC.

"Isa na namang kasinungalingan ang pinapalabas ng KOJC na bobombahin namin ang kanilang compound kagaya ng kasinungalingan na sinasabi nila na pinutuluan na namin sila ng tubig at kuryente eh kagabi ang ganda-ganda ng ilaw ng KOJC compound," ani Dela Rey.

"Kaya sa lahat ng mamamayan, mga kababayan natin. Huwag agad kayong maniniwala sa mga pinapalabas nilang mga kasinungalingan. Mag-verify kayo. Makinig din kayo sa mga legitimate media na nagsasabi ng katotohanan.

National

Magnitude 4.5 na lindol, tumama sa Davao Occidental

"Sana naman po ay 'wag n'yong i-spread ang mga fake news na pinapalabas nila," dagdag pa niya.

Matatandaang iniulat ng DZAR SMNI Radio na binigyan daw ng ultimatum na dalawang oras ng PNP ang mga miyembro ng KOJC na ilabas at isuko si Pastor Apollo Quiboloy, bago nila pasabugin ang KOJC Cathedral na nasa loob ng KOJC compound.

BASAHIN: KOJC Cathedral, pasasabugin ng PNP 'pag hindi sinuko si Quiboloy