Patuloy na magdadala ng pag-ulan ang hanging Habagat sa Metro Manila, Central at Southern Luzon, at Visayas, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Miyerkules ng hapon, Agosto 28.
Base sa 24-HR weather forecast ng PAGASA na inilabas nitong 4:00 ng hapon, posibleng pang magtagal ang pag-ulan ngayong Huwebes, Agosto 29 hanggang Biyernes, Agosto 30.
Asahan ang madalas na pag-ulan sa Metro Manila, MIMAROPA, Zambales, Bataan, Cavite, Laguna, at Batangas.
Magkararanas naman ng paminsan-minsang pag-ulan ang Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija, at Bulacan.
Asahan naman ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Visayas, Bicol-Region, natitirang bahagi ng Central Luzon at CALABARZON, at Pangasinan.
Ang mga pag-ulan ay maaaring magdulot ng pagbaha o paggulo ng lupa.
UPDATE
Naglabas ng yellow warning alert ang PAGASA nitong alas-5 ng hapon sa Metro Manila, Bataan, Zambales, Cavite, Batangas, Rizal, at Kalayaan Islands.
Sa ilalim ng yellow warning alert ay asahan ang pag-ulan sa loob ng isang oras at susunod pang dalawang oras.