November 22, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Fact or Fake? Mark Anthony, game daw maka-collab sa Vivamax si Chloe

Fact or Fake? Mark Anthony, game daw maka-collab sa Vivamax si Chloe
Photo courtesy: via Balita/Chloe Anjeleigh San Jose (FB)

Kumakalat ang isang quote card na sinabi raw ng aktor na si Mark Anthony Fernandez na game siyang makatambal sa isang Vivamax movie ang partner ni two-time Olympic gold medalist at Filipino pride gymnast Carlos Yulo na si Chloe San Jose.

Si Mark Anthony ay may pelikulang "Package Deal" sa Vivamax, at kamakailan lamang, pinutakti ng mga netizen ang umano'y maselang video ng aktor na kumalat sa social media.

MAKI-BALITA: Mark Anthony Fernandez, may kumakalat na maselang video?

Mababasa sa kumakalat na social media quote card, "Kung papayag si Carlos Yulo, game ako diyan. Sino ba namang hindi, Chloe San Jose na yan e." #VIVAMAX."

Tsika at Intriga

JC De Vera, na-offend sa 'biro' ni Alex Gonzaga

Kali Katey - B*LD MEDALIST NA SI MARK ANTHONY FERNANDEZ,... | Facebook

B*LD MEDALIST NA SI MARK ANTHONY FERNANDEZ,... - Zumba Dance Chis'mis | Facebook

MARK ANTHONY FERNANDEZ, IPAPARTNER KAY CHLOE... - Kapuso Celebrity | Facebook

Kumakalat pa sa ilang social media pages na interesado raw ang Vivamax na alukin si Chloe bilang artist nila.

FACT OR FAKE?

Malinaw na peke ang kumakalat na quote card ni Mark Anthony Fernandez dahil kung bibisitahin ang kaniyang legit social media accounts ay wala naman siyang ganoong posts.

Wala rin siyang existing interviews sa ibang media outlets na sinabi nga niyang bet niyang makapareha si Chloe San Jose sa Vivamax, at gayundin naman kay Chloe. Wala siyang post o interviews na sinasabi niyang excited siyang makatrabaho si Mark Anthony. 

Wala rin namang opisyal na pahayag o pa-teaser ang Viva Films kung totoong gagawa sila ng pelikula para sa dalawa, o kung kukunin nilang artist sa Vivamax si Chloe.

Sa panahon ngayon, talamak ang paggawa ng fake news at fake post patungkol sa mga celebrity, na kesyo sinabi nila ang ganito o ganiyang pahayag kahit hindi naman.

Ang nakalulungkot, maraming nasisilo o nahuhulog sa patibong na ito, kaya maraming nagogoyo ng fake news.

Sabi nga ni showbiz insider Ogie Diaz, huwag magpapaniwala agad sa mga nakikitang posts lalo na sa mga kaduda-dudang pages, at maniwala lamang sa mga lehitimong media company gaya ng Manila Bulletin.