Nagpaabot ng pasasalamat si House Speaker Martin Romualdez sa sambayanang Pilipino para sa mataas na trust at peformance ratings niya sa bagong resulta ng OCTA Research survey.
Sa kaniyang press release nitong Martes, Agosto 27, sinabi ni Romualdez na ang tagumpay na ito ay magsisilbi umanong motibasyon upang patuloy na bumuo ng mga batas at programang maka-mamamayan.
“We attribute these positive trust ratings to the collaborative efforts of the House in passing pro-people legislation and conducting thorough oversight functions to address critical national issues,” saad ni Romualdez.
“Tayo ay lubos na nagpapasalamat sa sambayanang Pilipino sa pagtitiwalang patuloy nilang ibinibigay sa ating liderato sa Kongreso. It is both humbling and inspiring for me. Your faith in our work in Congress is a constant reminder of the immense responsibility we carry in serving this nation,” aniya.
Dagdag pa niya: “It affirms that we are on the right track and, more importantly, that our efforts to pass laws and initiatives that improve the lives of our fellow Filipinos are resonating with the public. Tayo ay grateful dito at nananatili ang ating dedikasyon na higitan pa ang ating nagawa sa Kongreso.”
Sa isinagawang second-quarter survey ng OCTA Research noong Hunyo 20 hanggang Hulyo 5 ay makikitang umabot ng 62% ang trust ratings niya na noong Marso ay 61% lang.
Samantala, umabot naman sa 63% ang performance rating naman sa nasabing latest survery na noon ay 62% lang.