Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na may magandang ideya na siya kung sino ang nagpatakas kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Sa panayam ng mga mamamahayag nitong Martes, Agosto 27, na inulat ng Manila Bulletin, sinabi ni Marcos na nakausap niya si Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla at halos patapos na umano ang imbestigasyon nito hinggil sa kaso ni Guo.
"So DOJ, I was just with the secretary earlier today. He’s almost finished with a very thorough investigation, we will identify all of those who have, all of those who are involved in this, and we will act very quickly," ani Marcos.
Kaugnay nito, sinabi ng pangulo na may ideya na sila kung sino o sino-sino ang nagpatakas kay Guo mula sa Bureau of Immigration (BI).
"Very, very good idea. I have a very good idea,” saad niya.
Nang tanungin naman kung ilang ang sangkot sa pagtakas ni Guo, ani Marcos: "Well that’s what the last part of this, how far, how deep does this go. Isa lang bang tao ang involved, o marami sila, o sindikato ito, that’s what we are looking at.”
"There are no sacred cows," saad pa ni Marcos.
Matatandaang isiwalat ni Senador Risa Hontiveros noong Agosto 18, 2024 na nakaalis na ng bansa si Guo noon pang Hulyo 18, 2024, at nagtungo sa Kuala Lumpur, Malaysia.
MAKI-BALITA: 'Sinong may kagagawan nito?' Alice Guo, nakaalis na ng 'Pinas -- Hontiveros
Kaugnay nito, noong Huwebes, Agosto 22, nang mahuli ng mga awtoridad sa Indonesia ang kapatid ni Guo na si Sheila Guo at kaibigan niyang si Cassandra Li Ong, at naiuwi sa Pilipinas sa araw ding iyon.
MAKI-BALITA: Mga kasama ni Alice Guo na nahuli sa Indonesia, nakabalik na sa 'Pinas!
Sa pagdinig naman ng Senado nito lamang Martes, Agosto 27, isinalaysay ni Shiela kung ano ang mga sinakyan niya para makaalis ng Pilipinas kasama ang tinanggal na alkalde at isa pa nilang kapatid na si Wesley Guo.