November 26, 2024

Home BALITA National

PBBM, ipinagtanggol 2,000 pulis na nasa KOJC compound; wala raw human rights violation

PBBM, ipinagtanggol 2,000 pulis na nasa KOJC compound; wala raw human rights violation
(Photo: Pangulong Bongbong Marcos/FB; Keith Bacongco/MB; MB file photo)

Iginiit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na walang nilabag na karapatang pantao ang mga personnel ng Philippine National Police (PNP) na naghahalughog sa compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Davao City para hanapin ang puganteng si Pastor Apollo Quiboloy.

Sa isang panayam ng mga mamamahayag nitong Martes, Agosto 27, sinabi ni Marcos na nasa 2,000 pulisya ang pumasok sa KOJC compound upang mahalughog daw na mabuti ang malawak umanong 30-ektaryang area nito.

“Meron bang human rights violation kung maraming pulis? I don’t think so,” giit ni Marcos.

“The reason we did this was so that we could maintain the peace. The only way to maintain peace is to make sure that the area is safe and secure. And considering this is a 30-hectare compound, kailangan mo talaga ng maraming tao. 

National

‘What kind of country is this?’ VP Sara, pinuna ‘di raw pag-aksyon ng gov’t sa banta sa kaniya

“Hindi mo pwedeng gawin ito na isang dosenang pulis. Hindi na bale ‘yung mga lumalaban, o ‘yung mga nagre-resist, nanghaharang, hindi na bale muna ‘yun. Para lang ‘yung pag-inspeksyon ng 30 hectares, kailangan mo na kaagad ng maraming tao,” dagdag niya.

Ayon pa sa pangulo, politikal na umano ang usapin ng mga tumutuligsa at nagsasabing may paglabag sa karapatang pantao ang operasyon ng PNP dahil hindi naman daw gumamit ang mga pulis ng armas sa KOJC.

“I think what they’re talking about is… political na ‘yan, hindi na totoo ‘yan,” giit ni Marcos.

“You go to any human rights advocate. There is nothing that we did. Lahat ng pumasok na pulis, hindi armado. Walang baril kahit isa. Hindi kami gumamit ng teargas. Wala kaming ginawang ganon. So anong human rights violation doon?” saad pa niya.

Matatandaang nitong Sabado, Agosto 24, nang simulang pasukin ng nasa 2,000 Police (PNP) personnel ang compound ng KOJC upang isilbi ang arrest warrant ni Pastor Apollo Quiboloy at mga kapwa-akusado nito.

MAKI-BALITA: 2,000 pulis, hinalughog KOJC compound para kay Quiboloy

Nito namang Linggo, Agosto 25, nang maglabas ng pahayag si Vice President Sara Duterte upang kondenahin ang umano’y “‘di pangkaraniwang puwersa at ‘di makatarungang pang-aabuso” ng pulisya sa mga miyembro ng KOJC.

MAKI-BALITA: Mga pulis, gumamit ba ng 'puwersa' dahil Duterte-supporter si Quiboloy? -- VP Sara

Humingi rin ng tawad ang bise presidente sa mga miyembro ng KOJC dahil hinikayat at pinakiusapan daw niya ang mga ito na iboto si Marcos noong tumatakbo pa lamang ito bilang pangulo ng bansa.

MAKI-BALITA: VP Sara, humingi ng patawad dahil nakiusap siyang iboto si PBBM noong 2022

Iginiit din ni Davao City Mayor Baste Duterte na hindi umano nasusunod ng PNP ang panuntunan ng maayos at legal na paghain ng warrant of arrest kay Quiboloy sa compound ng KOJC.

MAKI-BALITA: PNP, 'di na sumusunod sa legal na paghahain ng warrant kay Quiboloy -- Mayor Baste

Samantala, nito lamang Martes, Agosto 27, nang maglabas ng “immediate  cease and desist" order ang RTC Branch 15 Davao sa operasyon ng PNP sa KOJC compound dahil naaapektuhan na umano nito ang “right to life, liberty, safety of the petitioners, its officers and members.”

MAKI-BALITA: 'Labag sa karapatan!' Operasyon ng PNP sa KOJC compound, pinatitigil ng korte

Sa kabila naman nito, sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. nito ring Martes na tuloy pa rin ang paghalughog ng awtoridad sa KOJC compound.

MAKI-BALITA: PNP, tuloy pa ring hahalughugin ang KOJC compound—Abalos