September 21, 2024

Home BALITA National

Kahit milyon-milyon daw ang pera ng mga Chinese: Dela Rosa, sinabing 'di bayaran ang Senado

Kahit milyon-milyon daw ang pera ng mga Chinese: Dela Rosa, sinabing 'di bayaran ang Senado
screenshot: Senate of the Philippines/YT

Kahit may milyon-milyon daw ang pera ng mga Chinese, sinabi ni Senador Bato Dela Rosa na hindi raw sila bayaran sa Senado. 

Sa pagdinig nitong Martes, Agosto 27, ginisa ni Dela Rosa si Shiela Guo, kapatid ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo. 

Sinabi ng senador na halata raw na nagsisinungaling si Guo.

"Halata na nagsinungaling ka. Huwag mo kaming lokohin dito. Baka akala mo kung ano ginagawa ni Alice Guo sa komite na ito, kaya mong gawin din?" aniya.

National

OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga

BASAHIN: Dela Rosa ginisa si Shiela Guo: 'Makinig ka! Huwag ninyo kaming lokohin dito'

Sa huling bahagi ng pagtatanong kay Guo, biglang binanggit ni Dela Rosa na hindi raw sila pwedeng bayaran kahit na milyon-milyon pa ang pera ng mga Chinese.

"Baka akala ninyo lokohin lahat ng opisyales ng gobyerno na kayang mabayaran. Kami rito hindi kami pwedeng bayaran ha. Walang pwedeng magbayad kahit na milyon-milyon ang pera ninyong mga Chinese kayo. Walang makabayad sa amin dito. Kaya 'wag mo kaming lokohin," ani Dela Rosa. 

Matatandaang inilahad ni Shiela na mula sa kanilang farm sa Tarlac, sinundo silang tatlong magkakapatid ng isang van patungo sa sinakyan daw nila ng barko paalis ng bansa.

BASAHIN: Kapatid ni Alice Guo, isinalaysay paano sila nakaalis ng bansa gamit 'maliit na boat'

Samantala, habang sinusulat ito’y hindi pa nahahanap ng mga awtoridad si Alice Guo.