November 22, 2024

Home SPORTS

Incentives ni Nesthy Petecio, 'di pinagdamot sa pamilya: 'Para sa kanila lahat!'

Incentives ni Nesthy Petecio, 'di pinagdamot sa pamilya: 'Para sa kanila lahat!'

Ibinahagi ni 2024 Paris Olympics bronze medalist sa kategoryang women's boxing na si Nesthy Petecio na ibinahagi niya ang kaniyang mga nakuhang incentives sa kaniyang pamilya, lalo na sa kaniyang ina at kapatid na may Down Syndrome.

Nakauwi na sa hometown niya sa Davao Del Sur si Nesthy na binigyan ng heroes welcome ng lokal na pamahalaan at mainit na sinalubong ng kaniyang mga kababayan.

Nang kapanayamin ng Cabinet Files ng PEP si Nesthy, natanong kung ano ang gagawin niya sa incentives na nakuha niya gaya ng house and lot at milyong piso mula sa pamahalaan at iba pang organisasyon.

Ayon sa atleta, ibinahagi niya ang incentives sa kaniyang pamilya, dahil lahat daw ng ginagawa niya ay para naman sa kanilang lahat.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Mas tutok din sila ngayon sa kapatid niyang may Down Syndrome na kailangang tutukan din.

"Ang reward ko sa kanila, maliban sa medalya, sa mga premyo na nakukuha ko, isine-share ko sa kanila,” saad daw ni Nesthy.

Napaulat din na ang house and lot na napanalunan niya ay ibibigay niya sa kaniyang bunsong kapatid.

Balak umanong iinvest ni Nesthy sa lupa at properties ang mga nakuhang incentives upang may income siya kung sakali kapag nagretiro na siya.

Plano rin niyang magtayo ng sariling negosyo subalit pinag-iisipan pa niyang mabuti dahil hindi raw basta-basta ang paglalabas ng pera.

Nagpasalamat si Nesthy sa lahat ng mga sumuporta at naniwala sa kaniyang laban.