January 23, 2025

Home BALITA National

Dela Rosa ginisa si Shiela Guo: 'Makinig ka! Huwag ninyo kaming lokohin dito'

Dela Rosa ginisa si Shiela Guo: 'Makinig ka! Huwag ninyo kaming lokohin dito'
SCREENSHOT Senate of the Philippines/YT

Ginisa ni Senador Ronald "Bato" Dela Rosa ang kapatid ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na si Shiela Guo sa pandinig sa Senado nitong Martes, Agosto 27. 

Sa naturang pagdinig, nilinaw ni Dela Rosa na kung totoo ang sinabi ni Shiela na hindi niya alam ang dahilan kung bakit sila umalis ng Pilipinas ni Alice kasama rin ang kapatid nilang si Wesley Guo.

"Hindi mo alam na maglalayas na pala kayo?" tanong ni Dela Rosa. 

"Hindi po, hindi po," sagot ni Shiela.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

"Hindi mo siya tinanong bakit tayo sasakay ng bangka papuntang Malaysia, na may eroplano naman?" usisa pa ni Dela Rosa.

"Una pa lang hindi niya sinabi sa akin na pupunta ng Malaysia. Ang sabi [niya] sa akin samahan ko siya may pupuntahan lang," sagot ni Shiela.

"Hindi ka nagtanong [na] bakit tayo palipat-lipat ng bangka? May maliit, may malaki?" tanong ng Senador. 

Sagot ni Shiela, "Doon na sa ano nagduda na ako eh. Eh nandoon na ako eh. Anong gagawin ko babalik pa ako rito sa Pilipinas?"

Dahil dito, nagsimula na ang tila pag-init ng ulo ni Dela Rosa.

"Halata na nagsinungaling ka. Huwag mo kaming lokohin dito. Baka akala mo kung ano ginagawa ni Alice Guo sa komite na ito, kaya mong gawin din?" aniya.

Ani Shiela na pinutol ni Dela Rosa," Hindi po. Pasensya na po ha kung may mali akong masasagot pero sa totoo lang wala talaga. Hindi ko alam..."

"Makinig ka! Makinig ka! Huwag mo kaming lokohin dito. Niloloko mo kami. Klaro na hindi ka nagtanong sa kapatid mo na 'bakit tayo magbangka at hatinggabi tayo lalayas dito?' tapos sabihin mo sa amin ngayon dito 'hindi ko alam na lalayas na pala kami ng Pilipinas.' Woo. Tell it to the marines," sabi ng Senador.

"Huwag mo kaming lokohin dito. I will not move for you to be cited in contempt. Ako naglabas lang ako ng hinanakit ko kasi parang niloloko mo kami rito sa komite. I am not asking your answer. I am just stating the facts. 

"'Yun lang. Baka akala ninyo lokohin lahat ng opisyales ng gobyerno na kayang mabayaran. Kami rito hindi kami pwedeng bayaran ha. Walang pwedeng magbayad kahit na milyon-milyon ang pera ninyong mga Chinese kayo. Walang makabayad sa amin dito. Kaya 'wag mo kaming lokohin," galit na sabi ni Dela Rosa. 

Matatandaang inilahad ni Shiela na mula sa kanilang farm sa Tarlac, sinundo silang tatlong magkakapatid ng isang van patungo sa sinakyan daw nila ng barko paalis ng bansa.

BASAHIN: Kapatid ni Alice Guo, isinalaysay paano sila nakaalis ng bansa gamit 'maliit na boat'