November 06, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Ambeth Ocampo, may nilinaw tungkol sa kamatayan ni Antonio Luna

Ambeth Ocampo, may nilinaw tungkol sa kamatayan ni Antonio Luna
Photo Courtesy: Screenshots from GMA Public Affairs (YT)

Nagbigay ng paglilinaw ang historyador na si Ambeth Ocampo tungkol sa kamatayan ng “the greatest general of the Philippine revolution” na si Antonio Luna.

Matatandaang muling napag-usapan ang tungkol dito nang “ibalita” ng isang netizen na isiniwalat umano ni Ambeth na ang ina raw ni Emilio Aguinaldo ang nag-utos na paslangin ang heneral.

Aniya sa post: “BREAKING NEWS: Ambeth R. Ocampo reveals at the GSIS Historians' Fair that it was actually Emilio Aguinaldo's mother (Trinidad Famy de Aguinaldo) who ordered the assassination of Antonio Luna!”

Kaya sa latest episode ng “Kapuso Mo Jessica Soho” kamakailan, ibinahagi niya ang kuwento sa likod ng kontrobersiyal niya umanong pagsisiwalat hinggil sa kamatayan ng heneral. 

Human-Interest

Dating ALS learner, isa nang ganap na police officer

“Sagot ito sa isang 10 year old na bata na nagsabi na ‘Alam mo, gusto ko si Emilio Jacinto. Hindi ko gusto si Aguinaldo kasi maraming pinapatay na tao,’” lahad ni Ambeth.

“Tapos ang explanation ko dito sa bata parang ‘Alam mo, ‘pag tumanda ka, mag-aaral ka ng kasaysayan, marami kang matututunan, then you will understand,’” wika niya.

Dagdag pa niya: “So, ang ginawa kong example, ‘no, isa sa mga hindi alam ng marami, itong nanay nga ni Aguinaldo. According to some sources, siya ang nagpapatay.”

Samantala, base naman umano sa lumalabas sa kaniyang pananaliksik, ginagamit umano ni dating Pangulong Manuel Luis Quezon ang kasaysayan upang sirain ang reputasyon ni Aguinaldo.

Matatandaang pagkatapos nilang magkasama sa mga laban at digmaan ay naging political rival nila ang isa’t isa noong eleksyon 1935 para sa pamahalaang Commonwealth.

MAKI-BALITA: Ina ni Emilio Aguinaldo, suspek sa pagpatay kay Antonio Luna?