November 26, 2024

Home BALITA National

Sa paghalughog ng PNP sa KOJC: Mayor Baste, nangakong pananatilihin kapayapaan sa Davao

Sa paghalughog ng PNP sa KOJC: Mayor Baste, nangakong pananatilihin kapayapaan sa Davao
Mayor Baste Duterte (MB file photo)

Ipinangako ni Davao City Mayor Baste Duterte na patuloy niyang magiging prayoridad ang seguridad ng mga Dabawenyo sa gitna ng nagpapatuloy ng operasyon ng Philippine National Police (PNP) sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) para hanapin si Pastor Apollo Quiboloy.

“Sa mga Dabawenyos, ang safety at security ng Davao City ay mananatiling prayoridad ng lokal na pamahalaan,” ani Duterte sa isang pahayag nitong Lunes, Agosto 26.

“Patuloy nating papanatilihin ang mapayapa na komunidad para sa lahat at haharapin natin ang anumang hamon sa ating lungsod,” dagdag pa niya.

Samantala, sa naturang pahayag ay iginiit din ng alkalde ng ma hindi na umano nasusunod ng PNP ang panuntunan ng maayos at legal na paghain ng warrant of arrest kay Quiboloy sa compound ng KOJC.

National

‘What kind of country is this?’ VP Sara, pinuna ‘di raw pag-aksyon ng gov’t sa banta sa kaniya

“Kinikilala namin ang karapatan ng mga kasapi ng KOJC na magprotesta. Subalit, hinihiling ko sa inyo na gawin ito sa mapayapang paraan at iwasan ang mga aktibidad na makaka abala sa trapiko para sa seguridad ng inyong mga kasama at ng publiko,” giit ni Duterte.

“Ang pangyayaring ito ay naka-abala na sa mga motorista, negosyo, at sa publiko. Ang publiko ay humihinging kasagutan mula sa PNP, hanggang kailan niyo planong manatili diyan sa KOJC property?” saad pa niya.

MAKI-BALITA: PNP, 'di na sumusunod sa legal na paghahain ng warrant kay Quiboloy -- Mayor Baste

Matatandaang nitong Sabado, Agosto 24, nang simulang pasukin ng nasa 2,000 Police (PNP) personnel ang compound ng KOJC upang isilbi ang arrest warrant ni Pastor Apollo Quiboloy at mga kapwa-akusado nito.

MAKI-BALITA: 2,000 pulis, hinalughog KOJC compound para kay Quiboloy

Nito lamang namang Linggo ng gabi nang ihayag ni Philippine National Police (PNP) Chief Rommel Marbil  na natukoy na ng pulisya ang kinaroroonan ng pastor at mga kasama nito.

MAKI-BALITA: Kinaroroonan ni Quiboloy, tukoy na ng pulisya! -- Marbil

Kasalukuyang nahaharap si Quiboloy sa kasong “ANTI-TRAFFICKING IN PERSONS ACT OF 2003 (RA9208 AS AMENDED BY RA 10364), REPUBLIC ACT 7610 (SPECIAL PROTECTION OF CHILDREN AGAINST ABUSE, EXPLOITATION, AND DISCRIMINATION ACT), AND CONTEMPT OF COURT.”