November 26, 2024

Home BALITA National

PNP, 'di na sumusunod sa legal na paghahain ng warrant kay Quiboloy -- Mayor Baste

<b>PNP, 'di na sumusunod sa legal na paghahain ng warrant kay Quiboloy -- Mayor Baste</b>
(MB file photo)

Iginiit ni Davao City Mayor Baste Duterte na hindi umano nasusunod ng Philippine National Police (PNP) ang panuntunan ng maayos at legal na paghain ng warrant of arrest kay Pastor Apollo Quiboloy sa compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa lungsod.

Sa isang pahayag nitong Lunes, Agosto 26, iginagalang niya ang pag-implementa ng anumang warrant of arrest basta’t naaayon daw ito sa batas. 

Ngunit ayon umano sa obserbasyon ng alkalde, gumamit ng dahas ang pulisya, sa pangunguna nina PNP Chief Rommel Marbil at General Region XI Police Director Nicolas Torre III, sa mga “inosenteng mamamayan at ang kanilang di otorisadong pag okupa sa KOJC compound.”

“Gustohin ko mang maki-alam, ang mga pulis ay makikinig lamang sa PNP chief at sa kanilang commander-in-chief President Bongbong Marcos,” ani Duterte.

National

‘What kind of country is this?’ VP Sara, pinuna ‘di raw pag-aksyon ng gov’t sa banta sa kaniya

“Kinikilala namin ang karapatan ng mga kasapi ng KOJC na magprotesta. Subalit, hinihiling ko sa inyo na gawin ito sa mapayapang paraan at iwasan ang mga aktibidad na makakaabala sa trapiko para sa seguridad ng inyong mga kasama at ng publiko,” saad pa niya.

Inihayag din naman ng alkalde sa mga Dabawenyos na mananatiling prayoridad ng lokal na pamahalaan ang kaligtasan at seguridad ng Davao City. 

“Patuloy nating papanatilihin ang mapayapa na komunidad para sa lahat at haharapin natin ang anumang hamon sa ating lungsod,” ani Duterte.

“Ang pangyayaring ito ay naka-abala na sa mga motorista, negosyo, at sa publiko. Ang publiko ay humihinging kasagutan mula sa PNP, hanggang kailan niyo planong manatili diyan sa KOJC property?” saad pa niya.