Inilabas na ng Miss Universe ang teaser para sa 73rd competition ng nabanggit na prestihiyosong pageant.
Magaganap ang final competition sa Nobyembre 16 at kokoronahan na ang magiging bagong Miss Universe 2024, na gaganapin sa Mexico.
"HELLO UNIVERSE! " saad sa caption.
"History is about to be rewritten … The moment we’ve all been waiting for is just around the corner. Are you ready to witness the most unforgettable night of a lifetime?"
"Live from Mexico… The 73rd Miss Universe competition. This November 14th and 16th at @arenacdmx," dagdag pa.
Para sa Pilipinas, pambato si Chelsea Manalo mula sa Bulacan, na kauna-unahang half-Pinay, half-Black American na sasabak at kakatawan sa Pilipinas.
MAKI-BALITA: Bakit 'dark horse' ang bagong Miss Universe PH 2024 na si Chelsea Manalo?
Ang reigning Miss Universe 2023 ay si Sheynnis Palacios ng Nicaragua, na naging kontrobersiyal pa ang pagkapanalo, dahil sa isyu umano ng paglaban sa kanilang pamahalaan.
MAKI-BALITA: Miss Universe 2023 Sheynnis Palacios, hindi na raw makakabalik sa Nicaragua
Samantala, wala pang ibang detalye kung may mga Pinay beauty queens o celebrities ba ang kukunin para maging hosts o kaya ay hurado.