November 22, 2024

Home BALITA National

VP Sara, humingi ng patawad dahil nakiusap siyang iboto si PBBM noong 2022

VP Sara, humingi ng patawad dahil nakiusap siyang iboto si PBBM noong 2022
VP Sara Duterte at Pres. Bongbong Marcos (Photo: VP Sara/FB)

Sa unang pagkakataon ay tila inihayag ni Vice President Sara Duterte ang kaniyang pagsisisi na sinuportahan niya si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong 2022 national elections.

Ito ay matapos humingi ng tawad ang bise presidente sa lahat ng miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) dahil hinikayat at pinakiusapan daw niya ang mga ito na iboto si Marcos noong tumatakbo pa lamang ito bilang pangulo ng bansa.

“Nais kong humingi ng kapatawaran sa lahat ng miyembro, deboto at bumubuo ng Kingdom of Jesus Christ, sa paghikayat at pakiusap ko sa inyong iboto si Bongbong Marcos Jr. noong 2022. Nawa'y mapatawad ninyo ako,” ani Duterte sa isang pahayag nitong Linggo, Agosto 25.

Matatandaang sina Marcos at Duterte ang mag-running mate noong 2022 national elections sa ilalim ng ticket ng UniTeam. Muli namang naging usap-usapan ang pagkabuwag ng UniTeam matapos magbitiw ni Duterte bilang miyembro ng gabinete ni Marcos at dahil sa hindi niya pagdalo sa naging State of the Nation Address (SONA) nito noong Hulyo.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Matatandaan ding umiwas lamang si Duterte sa katanungan ng mga mamamahayag kamakailan kung nagsisisi ba siyang sinuportahan si Marcos noong nakaraang eleksyon.

Samantala, ang naturang pahayag ni Duterte nitong Linggo ay nangyari sa gitna ng kaniyang pagkondena sa naging pagpasok ng nasa 2,000 pulis nitong Sabado, Agosto 24, upang isilbi ang arrest warrant ni Quiboloy at mga kapwa-akusado nito.

MAKI-BALITA: 2,000 pulis, hinalughog KOJC compound para kay Quiboloy

Isang miyembro naman ng KOJC ang naiulat na nasawi at dead on arrival umano ito sa ospital dulot ng cardiac arrest.

MAKI-BALITA: 1 KOJC member, patay sa gitna ng paghalughog ng PNP para kay Quiboloy

Kasabay ng kaniyang pagkondena sa pangyayari, kinuwestiyon din ni Duterte sa kaniyang pahayag kung ang naging paggamit ng mga awtoridad ng umano’y “‘di pangkaraniwang puwersa at ‘di makatarungang pang-aabuso” nang pinasok nila ang KOJC compound ay dahil isang kilalang tagasuporta ng mga Duterte si  Quiboloy.

MAKI-BALITA: Mga pulis, gumamit ba ng 'puwersa' dahil Duterte-supporter si Quiboloy? -- VP Sara

Kasalukuyang nahaharap si Quiboloy sa kasong “ANTI-TRAFFICKING IN PERSONS ACT OF 2003 (RA9208 AS AMENDED BY RA 10364), REPUBLIC ACT 7610 (SPECIAL PROTECTION OF CHILDREN AGAINST ABUSE, EXPLOITATION, AND DISCRIMINATION ACT), AND CONTEMPT OF COURT.”