Kasunod ng makasaysayang kampanya sa 2024 Paris Olympics, hindi rin palalampasin ng Philippine Esports Organization (PESO) na sumabak sa 2025 ESports Olympics sa Saudi Arabia.
Bagama’t wala pang pormal na inaanunsyo kung ano ang mga kasaling video/mobile games, minamatahan na rin ng PESO ang Mobile Legends Bang Bang (MLBB), kung saan mas kilala ang galing ng Pinoy. Naniniwala rin sila na kakayanin ding makipagsabayan ng Pinas sa ESports lalo na at binabalak nilang ipadala ang kilalang Esports team sa bansa na “Sibol” para sa torneo. Matatandaang 7 beses na nakapag-uwi ng ginto ang Sibol team sa mga nakalipas na South East Asian Games.
Ito ang unang beses na bubuksan ng International Olympic Committee ang pintuan para sa ESports tournament.
“Everyone will be gunning for a medal, especially when you have a great shot at Olympic glory.” saad ni PESO executive director Marlon Marcelo.
Kate Garcia