January 22, 2025

Home SHOWBIZ

Sagot ng 'Pamilya Sagrado' cast members kung ano palayaw ni Rizal, umani ng reaksiyon

Sagot ng 'Pamilya Sagrado' cast members kung ano palayaw ni Rizal, umani ng reaksiyon
Photo Courtesy: Screenshots from ABS-CBN Entertainment (YT)

Hindi pa man natatagalan ay may sumunod na agad kay singer-actress na si Sheena Belarmino na nagkamali ng sagot sa ibinatong tanong na may kinalaman kay Dr. Jose Rizal

Last time kasi ay naitanong kay Sheena kung sino raw ang nanay ng magkapatid na Crispin at Basilio sa nobelang “Noli Me Tangere” ng nasabing bayani.

Sagot ni Sheena, “Sasa” sa halip na “Sisa.”

Sa latest episode naman ng “Rainbow Rumble,” sumalang ang “Pamilya Sagrado” cast members at naitanong sa kanila ng host na si Luis Manzano kung ano raw ang palayaw ni Rizal.

'So refreshing!' Netizens nakakita ng 'Diwata' sa Boracay

Unang nagtangkang sumagot sa kanila si Emilio Daez. Tugon niya: “Miong.”

“Negi, nahihilo ako,” sabi naman ni Luis saka pabirong naupo sa sahig. Nagtawanan tuloy ang studio audience.

“Malay mo naman tawagan nilang magkakabarkada ‘yon,” hirit ni Negi.

Sa isa pang pagkakataon, inulit muli ni Luis ang tanong para bigyan ng chance ang iba pang kalahok. Matagal bago nakapagprisintang sumagot si Grae Fernandez. 

In fact, hindi siya umabot sa itinakdang oras. Pero pinasubok pa rin siya ni Luis. 

“Joe-Joe,” sagot ni Grae. At muli na namang nagtawanan ang studio audience.

Sa Facebook post ng Kapamilya Universe kung saan makikita ang artcard ng nasabing eksena, umani ito ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:"Not educational crisis. Sa history lang ang may problema. They answered well in other areas."

"Pepe .akong matanda na nangangalawang na ang utak pero naalaala ko pa palayaw ni Dr.Jose Rizal."

"Pepe .akong matanda na nangangalawang na ang utak pero naalaala ko pa palayaw ni Dr.Jose Rizal."

"Napakadali na lang nyan tapos mga artista pa yan hayst"

"Susme. Basic lang yan"

"Matatalino nmn bata Ngayon kasi madali sila matuto siguro napagiwanan talaga ang history di na maituro""Basahin nyo ang libro Ng isang kaibigan..."

"Kelangan talaga natin ng book na Isang Kaibigan"

"Thankful ako dahil gustong-gusto ko talagang usapan sa school is Philippine History, and sobrang dami kong natutunan mula G6-G10. (Wala na kaming history sa senior high at pakiramdam ko boring na.)"

"I’ll go with Joe Joe!"

"Although yes, we do have an educational crisis, this instance is not a symptom of that problem. These are trivia questions. Trivia. Kinakalimutan eventually ng utak ang knowledge from rote memorization na hindi nagagamit o hindi na kailangan sa araw-araw na buhay. Short term memory. I am betting na marami ring alam na trivia na mahalaga sa kanila o nabasa o natutunan ng mga contestant na hindi natin alam kasi hindi naman mahalaga sa atin o hindi natin nabasa o narinig o hindi natin kailangan."

"Educational crisis Tayo! Dinamay mopa lahat ng pinoy"

"This is not 'EDUCATIONAL CRISIS' but a result of lack of historical knowledge. For sure they have formal education, but failure to retain historical concepts doesn't equate that many Filipinos cannot read and write and understand basic concepts in English and Mathematics."

Pero sa huling bahagi naman ng game show ay ipinaliwanag ni Emilio ang dahilan kung bakit “Miong” ang sagot niya sa palayaw umano ni Rizal.

Aniya: “‘Yong nasa isip ko po kasi, ‘yong palayaw po ni Emilio Aguinaldo na kapangalan ko po. ‘Yong sasagutin ko po kasi, Dr. Jose Rizal. “

“So, sabi ko siyempre mali ‘yon kasi ‘di ‘yon palayaw. So, ‘yong palayaw na lang ni Emilio Aguinaldo ‘yong sinagot ko,” dagdag pa ng aktor.

MAKI-BALITA: 'Parang MAJOHA?' Sagot ni Sheena kung sino nanay nina Crispin, Basilio ng Noli Me Tangere, usap-usapan