January 23, 2025

Home SPORTS

Oldest PBA player ngayon, yakang-yaka pa ring makipagsabayan?

Oldest PBA player ngayon, yakang-yaka pa ring makipagsabayan?
Photo courtesy: Philippine Sports Bureau (FB)/MB

Sa edad na 47, kumbinsido pa rin si Magnolia Hotshots Head Coach Chito Victolero na hindi pa rin napag-iiwanan ang isa sa mga alas nila sa kanilang koponan.

Ang tinutukoy ni Victolero ay si Rafi Reavis, ang pinakamatandaang manlalaro ngayon ng Philippine Basketball Association (PBA) magmula nang sumali siya noong 2002. Siya ang naging “second overall picked” ng Coca-Cola Tigers sa 2002 PBA Rookie Draft. Taong 2006-2009 naman nang mapunta siya sa Barangay Ginebra at 2009 nang magsimula siya sa Magnolia.

“Si Rafi very serviceable pa rin. Parang hindi nga nagbabago yung itsura ni Rafi. Noong magkasama kami sa San Juan dati, ganyan na rin yung itsura niya. Maybe because of how he takes care of his body,” saad ni Victolero sa isang interview.

Ito na ang 23rd season ni Reavis sa kaniyang karera at kinikilala ngayong “oldest active PBA player.” Katunayan, isa sa mga magpapatunay sa tagal niya sa industriya ay ang dati niyang koponan na Andok’s San Juan Knights na noo’y Metropolitan Basketball Association kung saan naging dati niyang teammate si Victolero.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Si Reavis ang pumalit kay NLEX’s Asi Taulava bilang pinakamatanda sa buong liga. Nagretiro si Taulava noong 2023 kung saan kinilala rin siya bilang ikalawang manlalarong nagretiro sa edad na 50 kasunod ni PBA Legend Sonny Jaworski.

Isa sa mga naging titulong nakadikit sa karera ni Raevis ang 11 championship title na kaniyang nakamit noong: 2002 All-Filipino, 2003 Reinforced, 2006–07 Philippine, 2008 Fiesta, 2009–10 Philippine, 2012 Commissioner's, 2013 Governors', 2013–14 Philippine, 2014 Commissioner's, 2014 Governors' at 2018 Governors’ Cup.

Kate Garcia