November 25, 2024

Home BALITA National

MNLF chair kay Torre: 'Vacate KOJC Compound now!'

MNLF chair kay Torre: 'Vacate KOJC Compound now!'
MULA SA KALIWA: MNLF-Davao Chairperson Monk Aziz Olamit at Region XI Police Director Nicolas Torre III (Facebook; MB file photo)

Iginiit ni Moro National Liberation Front (MNLF)-Davao Chairperson Monk Aziz Olamit na dapat umanong tanggapin na ni Region XI Police Director Nicolas Torre III na nabigo ito sa kanilang pakay nang pasukin nila ang compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Davao City.

Sinabi ito ni Olamit sa pamamagitan ng isang Facebook post nitong Sabado, Agosto 24, ang araw kung kailan pinasok ng nasa 2,000 Philippine National Police (PNP) personnel ang compound ng KOJC upang isilbi ang arrest warrant ni Quiboloy at mga kapwa-akusado nito, sa pangunguna ni Torre.

MAKI-BALITA: 2,000 pulis, hinalughog KOJC compound para kay Quiboloy

“Police Brigadier General Nicolas D. Torre III must vacate KOJC Compound now since their job has been executed just to ease the tension,” ani Olamit.

National

‘What kind of country is this?’ VP Sara, pinuna ‘di raw pag-aksyon ng gov’t sa banta sa kaniya

Dagdag pa ng chairperson ng MNLF-Davao, dapat umanong respetuhin ni Torre ang mga tao sa Davao City.

“Respect the people of Davao City Brother General.. kabalo ko you are just following orders,” giit ni Olamit.

“You must accept that you failed. Even the rebels knows rules of the gallant warriors,” saad pa niya.

Kasalukuyang nahaharap si Quiboloy sa kasong “ANTI-TRAFFICKING IN PERSONS ACT OF 2003 (RA9208 AS AMENDED BY RA 10364), REPUBLIC ACT 7610 (SPECIAL PROTECTION OF CHILDREN AGAINST ABUSE, EXPLOITATION, AND DISCRIMINATION ACT), AND CONTEMPT OF COURT.”