November 25, 2024

Home BALITA National

Imee sa pagpasok ng PNP sa KOJC: 'Isang malaking dungis ito sa Pulisyang Pilipino!'

Imee sa pagpasok ng PNP sa KOJC: 'Isang malaking dungis ito sa Pulisyang Pilipino!'
(MB file photo)

Mariing kinondena ni Senador Imee Marcos ang naging pagpasok ng nasa 2,000 Philippine National Police (PNP) personnel sa compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Davao City upang isilbi ang arrest warrant ni Pastor Apollo Quiboloy at iba pang kasama nito.

Matatandaang nitong Sabado, Agosto 24, nang magtungo ang mga pulis sa compound ng KOJC, kung saan sa gitna umano ng kanilang paghahalughoy ay isang miyembro ng KOJC ang naitalang nasawi dahil sa cardiac arrest.

MAKI-BALITA: 1 KOJC member, patay sa gitna ng paghalughog ng PNP para kay Quiboloy

Sa isang pahayag, tinawag ni Marcos ang naging aksyon ng mga pulis bilang “unwarranted” at “unjustified.”

National

‘What kind of country is this?’ VP Sara, pinuna ‘di raw pag-aksyon ng gov’t sa banta sa kaniya

“The disturbance, fear, and even reported death that such a massive show of force caused to bystanders and to those who were simply exercising their Constitutionally-protected rights are unacceptable,” giit ni Marcos.

“I urge the PNP to be more circumspect in their actions, uphold guaranteed freedoms and prioritize the safety of civilians. This is the second incidence of excessive force used by the PNP, and must be stopped immediately.”

“Ito na ang pangalawang pagkakataong nagpamalas ng 'di katanggap-tanggap na pwersa ang PNP; kailangan itong mahinto at hindi na maulit pa. Isang malaking dungis ito sa Pulisyang Pilipino,” saad pa niya.

Kasalukuyang nahaharap si Quiboloy sa kasong “ANTI-TRAFFICKING IN PERSONS ACT OF 2003 (RA9208 AS AMENDED BY RA 10364), REPUBLIC ACT 7610 (SPECIAL PROTECTION OF CHILDREN AGAINST ABUSE, EXPLOITATION, AND DISCRIMINATION ACT), AND CONTEMPT OF COURT.”

Samantala, nitong Linggo, Agosto 25, nang maglabas din ng pahayag si Vice President Sara Duterte para kundenahin ang naturang aksyon ng PNP.

MAKI-BALITA: Mga pulis, gumamit ba ng 'puwersa' dahil Duterte-supporter si Quiboloy? -- VP Sara

Sa nasabing pahayag ay humingi rin ng tawad ang bise presidente sa lahat ng miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) dahil hinikayat at pinakiusapan daw niya ang mga ito na iboto si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong 2022 national elections.

MAKI-BALITA: VP Sara, humingi ng patawad dahil nakiusap siyang iboto si PBBM noong 2022