November 25, 2024

Home BALITA National

Hontiveros, Diokno, 'on the way' na para hanapin si Alice Guo

Hontiveros, Diokno, 'on the way' na para hanapin si Alice Guo
Courtesy: Atty. Chel Diokno/FB screengrab

Kwelang nagbahagi sina Senador Risa Hontiveros at human rights lawyer Atty. Chel Diokno ng isang TikTok video kung saan “on the way” na raw sila para hanapin si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Sa isang Facebook post nitong Linggo, Agosto 25, gumamit sina Hontiveros at Diokno ng filter sa TikTok na “I am flying.”

"On the way para hanapin si Alice Guo! ," hirit ni Diokno sa naturang post.

Matatandaang noong Huwebes, Agosto 22, nang mahuli ng mga awtoridad sa Indonesia ang kapatid ni Guo na si Sheila at kaibigan daw nitong si Cassandra Li Ong, at naiuwi sa Pilipinas sa araw ding iyon.

National

‘What kind of country is this?’ VP Sara, pinuna ‘di raw pag-aksyon ng gov’t sa banta sa kaniya

MAKI-BALITA: Mga kasama ni Alice Guo na nahuli sa Indonesia, nakabalik na sa 'Pinas!

Samantala, inihayag ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na posibleng nagtungo si Guo sa Golden Triangle (Cambodia, Laos, Myanmar), kung saan may “business interests” ang kaniyang pamilya.

Ang naturang balita ay matapos isiwalat ni Hontiveros noong Lunes, Agosto 19, na nakaalis na ng bansa si Guo noon pang Hulyo 18, 2024, at nagtungo sa Kuala Lumpur, Malaysia.

MAKI-BALITA: 'Sinong may kagagawan nito?' Alice Guo, nakaalis na ng 'Pinas -- Hontiveros

Idinadawit si Guo sa na-raid na POGO sa Bamban, at pinagsususpetsahan din siyang isa umanong Chinese national, kung saan isiniwalat ni Hontiveros kamakailan na kinumpirma na ng NBI na iisa lamang si Guo at ang Chinese national na si “Guo Hua Ping.”

MAKI-BALITA: NBI, kinumpirmang iisa lang si Alice Guo at Guo Hua Ping -- Hontiveros