November 24, 2024

Home SPORTS

Highest scoring import sa PVL, nakapagtala ng panibagong record high

Highest scoring import sa PVL, nakapagtala ng panibagong record high
Photo courtesy: Premier Volleyball League (FB)

Bigo mang maihatid sa semi-finals ang koponan, itinodo ni Russian Spiker Marina Tushova ang career high para sa Capital One Solar Spikers kontra Cignal HD Spikers nitong Sabado, Agosto 24, 2024.

Pumalo si Tushova ng 50 points mula sa 47 kills, 2 blocks at 1 ace para mahigit sa isang 5-setter match-up ang HD Spikers, 19-25, 34-36, 25-16, 25-22, 12-15.

Ito ang pinakamataas na scoring record ng single player sa buong liga. Bago pa man tumuntong ang Solar Spikers sa quarterfinals, pinangunahan din ni Tushova ang koponan matapos niyang nagpakawala ng 45 points at 49 points sa ilang nakaraang games.

“I don't care about my record today. I wanted my team to win more, unfortunately. I hope that I’ll come back here to play again and I hope I’ll be better next year,” saad ni Tushova sa post game interview.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Samantala, pumirma na rin siya ng kontrata para sa isa pang club team at nakatakda na rin lumipad sa ibang bansa.

Sa kabuuang tala ng liga, si Tushova ang nangungunang Best Spiker, na sinundan ni Akari Chargers’ import Oluoma Okaro na may 183 spikes at Kath Bell ng Chery Tiggo Crossovers na may 176 spikes.

Nagtapos sa ika-7 puwesto ang kampanya ng Solar Spikers ngayong conference. Ito ang pinakamataas nilang ranking sa kanilang franchise history.

Kate Garcia