November 22, 2024

Home BALITA

De Lima sa pahayag ni ex-Pres. Duterte: 'Sa'yo pa talaga nanggaling ito, kapal ng mukha!'

De Lima sa pahayag ni ex-Pres. Duterte: 'Sa'yo pa talaga nanggaling ito, kapal ng mukha!'
Photo courtesy: via Balita/MB

Pinalagan ng dating senador na si Leila De Lima ang inilabas na opisyal na pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa ginawang paghalughog ng kapulisan sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound sa Davao City nitong Agosto 24, para dakpin ang akusadong si Pastor Apollo Quiboloy sa patong-patong nitong kaso.

Kinondena ni Duterte ang naging paglusob ng Philippine National Police (PNP) sa compound, sa pangunguna ni Gen. Nicolas Torre III, na naging dahilan ng pagkamatay ng ilang miyembro ng KOJC na itinatag ni Quiboloy.

Nakikisimpatya umano ang dating pangulo sa mga miyembro ng KOJC na nakaranas at naging biktima ng political harassments, persecution, violence, at abuse of authority.

Kaya naman, may panawagan si Duterte sa sambayanang Pilipino.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

"We sympathize with the members of the KoJC for having become victims of political harassment, persecution, violence and abuse of authority. This certainly puts a dark stain on the hands of those involved in today's incident, led by no less than the top police official of the region."

"We call on the remaining decent and patriotic members of our government not to allow themselves to be used and to be abusive and violent in enforcing illegal orders."

"We call on all Filipinos, regardless of political persuasion, to offer prayers for peace and justice, and to spare our people of the unwarranted tension brought about by the reign of fear and terror by people sworn to uphold the law and protect the citizens of this country."

"Again, let us ask this administration how it can guarantee the preservation of the constitutional rights of our fellow Filipinos when even the most fundamental of these rights are being blatantly violated?" aniya pa.

Rody Duterte - STATEMENT OF FORMER PRESIDENT RODRIGO DUTERTE 24... | Facebook

Ibinahagi naman ni De Lima ang opisyal na pahayag ni Duterte.

"What is illegal about enforcing valid arrest warrants?

At sa'yo pa talaga nanggaling ito? Kapal ng mukha! Bakit hindi ka na lang tumulong sa mga awtoridad?!" mababasa sa X post ng dating mambabatas.

Photo courtesy: Leila De Lima (X)/Rody Duterte (FB)

Matatandaang si De Lima ay isa sa mga kritiko ni dating Pangulong Duterte, at kamakailan lamang ay nakalaya at naabsuwelto na siya sa mga kaso matapos masangkot sa ilegal na droga, sa panahon ng administrasyon ng dating pangulo.