December 23, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Dalawang stranded na astronauts sa space, makabalik pa kaya?

Dalawang stranded na astronauts sa space, makabalik pa kaya?

Dalawang astronauts ng National Aeronautics Space Administration (NASA) ang nananatiling stranded sa kalawakan matapos magkaroon ng diperensya ang sinasakyan nilang Starliner spacecraft.

Ang dapat sana’y 8 mission days ay magtatagal pa hanggang sa Pebrero 2025 batay sa kumpirmasyon ng NASA. Kinilala ang dalawang astronaut na sina Sunita Williams at Barry Wilmore na dalawang buwan nang stranded sa International Space Station (ISS). Helium leaks at thruster failure ang isa sa mga nakikita ng ahensya na dahilan sa pagpalya ng space capsule.

Matapos umano ang halos tatlong buwan, nagdesisyon ang NASA na pansamantalang manatili sa ISS ang dalawang astronaut habang hinihintay ang rescue spacecraft nito na SpaceX. Sa Setyembre 24, nakatakdang mag take-off ang SpaceX na magmumula sa NASA Kennedy Space Center sa Florida.

“Spaceflight is risky — even at its safest and even at its most routine — and a test flight, by nature, is neither safe nor routine, and so the decision to keep Butch and Suni aboard the International Space Station and bring the Boeing Starliner home uncrewed is a result of a commitment to safety,” saad ni NASA Administrator Bill Nelson nitong Sabado, Agosto 24 sa isang panayam sa media.

Human-Interest

BALITrivia: Si Santa Claus at ang kapaskuhan