November 23, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

'Batang Quiapo' sinisita dahil puro violence, rape sa mga babaeng karakter

'Batang Quiapo' sinisita dahil puro violence, rape sa mga babaeng karakter
Photo courtesy: Screenshots from Kapamilya Online Live (YouTube)/ABS-CBN Entertainment

Pinapalagan ng mga netizen at viewers ang nangyayari sa mga babaeng karakter sa action-drama series na "FPJ's Batang Quiapo" na puro nakararanas ng violence at rape mula sa mga lalaking karakter.

Magmula raw kay Marites (Cherry Pie Picache, na ginampanan ni Miles Ocampo noong bata pa siya), Mokang (Lovi Poe), Bubbles (Ivana Alawi), Camille (Yukii Takahashi), at "Katherine" (Ara Davao) ay tila pare-pareho lang daw ang kinasasapitan nila.

Kinakalampag ng mga netizen ang bida at isa sa mga direktor nitong si Coco Martin na pare-pareho na lang daw ang conflict na ipinakikita niya sa serye, kaya sana naman daw ay mag-upgrade siya, lalo na sa writers nito.

"Nagclick naman ang Batang Quiapo kahit noong sabi nila action-comedy ang genre nito. Bakit hindi na lang ibalik sa ganoong genre? Hindi kasi magandang tignan talaga na puro pang-aabuso sa babae ang pinapakita. Tsaka ano na nga ba ang kwento nito? Wala na halos na aral na nakukuha. Puro gigil at galit na lang, patayan, rape. Mga ganon. Kakasawa."

Teleserye

Coco Martin, nahiya nang ipasok sa 'Batang Quiapo' 2 niyang kapatid

"Agree ako na hindi child friendly. Hindi dapat after ng TV patrol. Masyadong rape, violence at malupit sa babae."

"STOP villainizing women. Puro na lang misogyny, sexual abuse at sexual harassment ang makikita sa palabas na ito. MTRCB, baka naman?"

"I very much agree!!! Whats with rape that they seem to love it! Ok sana kung nakakalaban or nakakaganti man lang yung mga babae pero sa show na to helpless lage. Yan ba sexual fantasy ng directors at parang gustong gusto nya plage isama sa lahat ng eksena ng babaeng character yn? Baka mamay nyan pati Si Tinding magkarape scene narin from Don Facundo ha? I am to blame because I watch this trash show!!"

"Oo nga puro na lang mga lalaking karakter nananaig. May galit ka ba sa mga babae, Coco?"

Ngunit katwiran naman ng ilang nagtatanggol, napapanahon at realistiko lang naman ang mga ipinakikita sa serye at talaga namang nangyayari ito.

"Daming pawoke dito. Bakit, hindi bat araw araw yan din naman laman ng news? Ang palabas sinasalamin ang tunay na nangyayari sa buhay. Napakasimple, dont patronize something na ayaw nyo."

"Huwag kayo manood kung ayaw ninyo!"

"Eh nangyayari naman talaga 'yan eh, anong problema ninyo?"

"Realidad 'yan so huwag kayo ngumalngal..."

"pwede kayong manood ng iba di naman ito sa tv kaya kung sino lang gusto manood na nakakaintindi at gusto ng ganito."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang pamunuan ng ABS-CBN at Batang Quiapo kaugnay nito.

MAKI-BALITA: Di pa nga nanganganak: Camille, tsinugi na sa Batang Quiapo