January 22, 2025

Home BALITA National

Abalos, muling nanawagan kay Quiboloy na sumuko na

Abalos, muling nanawagan kay Quiboloy na sumuko na
Photo Courtesy: Benhur Abalos, via MB

Naglabas ng pahayag si Department of the Interior and Local Government (DILG) secretary Benhur Abalos matapos nilang isakatuparan ang pagbibigay ng warrant of arrest laban kay Pastor Apollo Quiboloy.

MAKI-BALITA: 2,000 pulis, hinalughog KOJC compound para kay Quiboloy

Sa Facebook post ni Abalos nitong Linggo, Agosto 25, muli siyang nanawagan kay Quiboloy at sa iba pang kasamahan nito na magkusa nang sumuko.

“Muli kong inuulit ang aking panawagan kay Apollo Quiboloy at sa kaniyang mga kasamahan na nasampahan ng kaso na kusang-loob na sumuko upang harapin nang naayos sa batas ang mga paratang ng pang-aabuso sa bata, pang-aabusong sekswal, at human trafficking. Ang pagsuko ni Quiboloy ang tanging paraan upang maipakita niya ang kaniyang paggalang sa batas,” pahayag ni Abalos.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Dagdag pa niya, ipagpapatuloy umano ng Philippine National Police (PNP) ang tungkulin nitong magsilbi ng mga warrant of arrest habang pinapanatili ang pinakamataas na lebel ng pasensay at paggalang sa karapatang pantao.

“Ang aming pangako na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa ating mga komunidad ay mananatiling matatag,” aniya.

Sa huli, hinikayat ni Abalos ang publiko na maging kalmado at hayaan umanong legal na proseso ang umiral sa nasabing isyu.