Hindi pinalampas ni Japan’s Reigning MVP Ran Takahashi na paunlakan ang Filipino fans sa kanyang pagbabalik bansa.
Sa meet and greet niya bilang brand ambassador ng Akari noong Biyernes, Agosto 13, nag-iwan ang volleyball superstar ng isang mensahe para sa mas lalo pang pinagtibay na kampanya ng Philippine Volleyball.
“I think Japanese teams, and of course, Asian teams, are more likely to lose. But, I think that if you think about the height, power, and height, if you think about European teams, and America and Brazil, the height and power are the weak points that make them lose. The same goes for Japanese teams,” saad ni Ran.
Sa overall ranking nasa ika-5 puwesto ang Japan Men’s Volleyball Team, sa buong mundo habang sila naman ang nangunguna sa Asian ranking.
Matatandaang mas lalo pang minahal ng volleyball community si Ran dahil isa lang beses na pagbalik ng Volleyball Nation’s League (VNL) sa bansa kung saan nagpamalas ito ng kakaibang galing kasama ang ilan pang key players na sina open spiker Yuki Ishikawa at opposite spiker Yuji Nishida.
Samantala, kasalukuyan namang sinusubukan namang idepensa ng Alas Pilipinas Men’s National Team ang kanilang bronze title sa second league ng SEA V-League. Bahagyang iniinda ng Alas ang pagkawala ni Philippine’s reigning MVP Bryan Bagunas matapos ang “undisclosed injury” nito noong Agosto 17, 2024. Nakatakdang bumawi ang Alas kontra Indonessia sa Linggo, Agosto 25, 2024.
Kate Garcia