December 26, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Tinapatan si VP Sara? Aklat ni Bekimon na 'Echuserang Frienny' kinaaliwan

Tinapatan si VP Sara? Aklat ni Bekimon na 'Echuserang Frienny' kinaaliwan
Photo courtesy: BEKIMON (FB)

Usap-usapan ng mga netizen ang inilabas na "aklat-pambata" ng komedyanteng si Bekimon na may pamagat na "Echuserang Frienny" na inspired sa kontrobersyal na aklat-pambata ni Vice President Sara Duterte.

Ipinakita rin ni Bekimon kung paano niya ginawa ang kaniyang aklat sa pamamagitan ng tool na Canva.

"WOW ANDALI LANG PALA GAWIN NITO! Sa mga magpapagawa po ng children's book, sa akin na po kayo magpagawa, please... Kering keri ko po! Hello po Canva Canva Canva Life PH hahahaha salamat po ahahahahahahahha," aniya sa post. 

Facebook

Tsika at Intriga

Anthony Jennings, nag-promote ng pelikula; isiniwalat kung sino sinasandalan sa problema

Kagaya sa "Isang Kaibigan: ni VP Sara, ang kuwento ay umiikot din sa isang magkaibigang loro at kuwago, subalit ang wika ng kuwento ay ginamitan niya ng beki lingo. 

Tinawag niya itong "BEKSTIME STORIES."

BEKIMON - ECHUSERANG FRIENNY - Complete Chapter | Facebook

Tawang-tawa naman ang mga netizen sa kuwento ang aklat-pambata ni Bekimon, na hindi na raw kailangan pang gumugol ng malaking halaga ng pera para magkaroon ng kopya, dahil ipinost na niya ang bawat pahina nito sa kaniyang Facebook account.

"This was my first book. Looking for the publisher of my second book. Hindi po ako hihingi ng 10million. Charot. Mura lang po ang royalty fees ko hahahahahh," aniya. 

BEKIMON - This was my first book. Looking for the publisher of my... | Facebook

Bago pa ito, may nauna nang published book si Bekimon na may pamagat na "Bet Kita. Walang Echos."

Bukod sa pagiging komedyante-aktor at book author, si Bekimon din ay isang lisensyadong guro, events host, marketing professional, at vlogger. 

Cum laude graduate din siya sa degree program na Mass Communication major in Broadcasting sa Centro Escolar University (CEU) sa Maynila. 

Samantala, naglabas ng opisyal na pahayag si VP Sara kaugnay sa ibinabatong mga isyung kinopya lamang sa isang banyagang children's book ang kaniyang kuwentong pambata na pinagmulan ng kontrobersiya matapos nilang magkasagutan ni Sen. Risa Hontiveros, sa isinagawang senate budget hearing para sa Office of the Vice President (OVP).

Mababasa sa opisyal na pahayag ni Duterte na hindi siya nagsagawa ng plagiarism o pangongopya sa gawa ng iba, dahil ang kuwento ay halaw raw sa kaniyang pansariling karanasan. Isa pa, ipinaliwanag ni Duterte

"Mga kababayan, Napakadaling sumulat ng maikling kuwento batay sa sariling karanasan, hindi na kailangang mangopya pa. Ang proyekto ay para mahikayat ang mga bata na mahalin ang pagbabasa at sumulat ng sarili nilang kuwento."

"Hindi ang libro ang problema ng bayan kundi ang kahinaan sa pagbabasa ng ating kabataan," giit pa ng pangalawang pangulo.

Sa dulo ng pahayag ay sinabi ni VP Sara na magsusulat pa siya ng isa pang aklat para naman sa taksil na kaibigan.

MAKI-BALITA: Kinopya sa Owly? VP Sara, pumalag sa mga sitang plagiarized aklat niya

MAKI-BALITA: TINGNAN: Ano nga ba ang nilalaman ng 'Isang Kaibigan' book ni VP Sara Duterte?

MAKI-BALITA: May kasunod pa: VP Sara, susulat ng aklat tungkol sa taksil na kaibigan