Usap-usapan ang Facebook post ng mamamahayag na si Jay Sonza kaugnay sa paglusob ng kapulisan sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Compound sa Davao City para hanapin si Pastor Apollo Quiboloy, na kasalukuyan pa ring nagtatago at hindi pa humaharap sa mga kasong inihain laban sa kaniya.
MAKI-BALITA: 1 KOJC member, patay sa gitna ng paghalughog ng PNP para kay Quiboloy
Saad ni Sonza sa kaniyang Facebook post nitong Agosto 24, bandang 10:49 ng umaga, lahat daw nang naabutan ng kapulisan sa loob ng compound ay pinapaaresto. Sa kabila raw ng tila "illegal search" na nangyari ay walang Quiboloy na nasakote ang mga awtoridad.
"Gen. Torre ordered the policemen to arrest everybody, all of us, including lawyers, newsmen, bloggers inside KOJC compound, confiscate all their phones, camera after seven (7) hours of illegal search in the compound."
"Wala silang natagpuan Pastor Apollo Quiboloy and 5 other co-accused dito sa KOJC Central Compound and Churches."
Kaya hiling ni Sonza sa lahat, "Pray for us."
Jay Sonza - JUST NOW. Gen. Torre ordered the policemen to arrest... | Facebook
Sa iba pang posts, ibinahagi ni Sonza ang ulat ng SMNI News na may namataan daw na ilang sundalong Amerikano sa nabanggit na paglusob sa compound ng KOJC.
"Sundalong Amerikano kasamang lumusob sa KOJC compound. August 24, 2024. Titigang mabubit iyong bandera ng America sa dibdib na bahagi ng uniporme ng sundalo," mababasa sa kaniyang post.
Jay Sonza - Sundalong Amerikano kasamang lumusob sa KOJC compound.... | Facebook