November 26, 2024

Home BALITA National

PBBM, kinalampag mga LGU dahil sa pagtaas ng kaso ng dengue at leptospirosis sa bansa

PBBM, kinalampag mga LGU dahil sa pagtaas ng kaso ng dengue at leptospirosis sa bansa
(Manila Bulletin photo)

Kinalampag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga lokal na pamahalaan hinggil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue at leptospirosis sa bansa.

“I urge you all to lead aggressive information dissemination campaign to promote a healthy lifestyle and prevent diseases, such as a campaign to remind our people, especially children, against swimming in floodwaters and to practice (proper) personal hygiene to mitigate the spread of leptospirosis, mpox and any other illnesses,” saad ng Pangulo sa 2024 Local Government Summit nitong Biyernes, Agosto 23, 2024 sa Pasay City.

“Local chief executives must work harder to utilize environmentally sound methods and waste minimization measures to protect public health and of course, our environment,” dagdag niya.

Sa datos ng Department of Health (DOH) patuloy na sumisipa ang kaso ng dengue at leptospirosis matapos ang pananalasa ng habagat at bagyong Carina. Umabot na sa 255 kaso ang leptospirosis habang nasa 136,161 naman ang dengue cases mula Enero hanggang Agosto ngayong taon.

National

Malacañang, inalmahan si Ex-Pres. Duterte: ‘He should respect the constitution!’

Matatandaang nakaranas ng malawakang pagbaha ang iba’t ibang parte ng bansa noong kasagsagan ng bagyong Carina kung saan tone-toneladang mga basura ang nakalap dito. Pinaalalahanan din ng Pangulo ang lokal na pamahalaan na huwag hayaang maglangoy sa baha ang kanilang komunidad at pag-igtingin ang tamang waste disposal management.

Tuwing sasapit ang La Niña, mahigpit din na ikinakampanya ng DOH ang mga sakit na maaaring makuha sa baha katulad na nga ng leptospirosis at dengue.

“Itong leptospirosis ay dahil sa dami ng basura. Pag dumami iyong basura, dumadami iyong rodent population or dumadami iyong daga kasi may nakakain sila, so multiply sila nang multiply. So very important: sanitation, garbage disposal, environmental protection, lalo na iyong tag-ulan,” paalala ni DOH secretary Teodoro Herbosa. 

Kate Garcia