November 09, 2024

Home SPORTS

Pagbubukas ng new season ng NCAA at UAAP, sabay na magbabanggaan

Pagbubukas ng new season ng NCAA at UAAP, sabay na magbabanggaan
Photo courtesy: NCAA Philippines and The UAAP (FB)

Dalawang largest collegiate sporting events sa bansa ang sabay na magbubukas ng panibago nitong season sa darating na Setyembre 7, 2024.

Ang National Collegiate Athletic Association (NCAA) na magdiriwang din ng centennial season nito ay kasado na sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City habang ang season 87 naman ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) ay pasisinayaan sa Araneta Coliseum.

Ito ang pangalawang beses na magsasabay ang longest collegiate tournament ng bansa mula noong 2022 kung saan inilunsad ng UAAP ang season 84 nito sa MOA Arena habang ang NCAA naman sa St. Benilde Gym sa Mandaluyong City.

Samantala, naunang magkumpirma ang UAAP sa takda nitong pagbabalik noong closing ceremony ng season 86 at sinundan naman ito ng NCAA makalipas ang isang buwan, sa anunsyo ng season host’s Lyceum of the Philippines University.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Ang LPU ang kasalukuyang league’s host na hahawak ng mga pinakamahahalagang yugto ng liga matapos ang De La Salle University noong silver anniversary nito (1949-1950), San Sebastian College noong golden anniversary (1974-75) at Jose Rizal University noong diamond anniversary (1999-2000).

Habang sa mas pinasiglang opening game naman ng UAAP nakatakda ang quadruple match-up at inaasahang sasalubungin ng “Battle of Katipunan” sa pagitan ng UP at Ateneo. Susundan ito ng La Salle vs. National University, Adamson vs. Far Eastern University at University of the East vs. University of Santo Tomas.

Tatangkain naman ng defending champion San Beda University na idepensa ang kanilang korona bilang opening game kontra Mapua University.

Katulad ng kinagisnan, sisimulan ang opening game ng dalawang liga sa pangunguna ng Basketball tournament.

Kate Garcia