December 23, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Iba pang naglalakihang diyamante sa kasaysayan, saan nga natagpuan?

Iba pang naglalakihang diyamante sa kasaysayan, saan nga natagpuan?
Photo courtesy: Lucara Diamond (FB)

Matapos ang isang siglo, isang nakamamangha at tinatayang 2,492-carat na diyamante ang nahukay sa Botswana, Martes, Agosto 22.

Ito ang pangalawa sa pinakamalaking diyamante sa kasaysayan mula nang madiskubre ang 3,106-carat na diyamante sa South Africa noong 1905 kung saan 9 sa bato nito ay isinama sa British Crown Jewels.

Ayon sa Lucara, isang mining company na nakahukay rito, sa minahan ng Karowe eksaktong natagpuan ang natatanging diyamante. Ito na rin ang pangalawang beses na nakahukay ang kompanya ng isang higanteng diyamante mula noong 2015 kung saan narecover din nila ang Lesedi La Rona, 1,109-carat.

Noong nakaraang buwan, kinilala rin ang Botswana bilang nangungunang diamond producer kung saan 30% ng kanilang kita ay nagmumula sa gross national product at 80% nito ay nagmumula sa eksportasyon.

Human-Interest

Paano nga ba mag-goodbye ang ilang Gen Zs bago mag-New year?

Sa pagkadiskubre ng Giant Botswana Diamond, kinumpleto nito ang anim sa pinakamalalaking diyamante na naitala sa kasaysayan.

1.Cullinan Diamond- 3,106 carats na natagpuan sa South Africa noong 1905.

2. Giant Botswana Diamond- 2,492-carats sa Karowe mine nitong Agosto 2024

3. Sewelo Diamond- 1,758 carats na natagpuan pa rin sa Botswana noong Abril 2019.

4. Lucara Diamond- 1,174.76-carat sa Karowe mine noong 2015.

5. Lesedi La Rona Diamond- 1,109-carat mula sa Karowe mine noong 2015.

6. Jwaneng Diamond- 1,098.3-carat na natagpuan noong 1973 sa Central Botswana.

Kate Garcia