January 22, 2025

Home BALITA National

Hirit ni Roque: 'Sa Bagong Pilipinas, binalewala na ang karapatang pantao!'

Hirit ni Roque: 'Sa Bagong Pilipinas, binalewala na ang karapatang pantao!'

Nag-react si dating Presidential spokesman Harry Roque nang halughugin ng nasa 2,000 Philippine National Police (PNP) personnel ang compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) upang isilbi ang arrest warrant ni Pastor Apollo Quiboloy at iba pang kasama nito.

Nitong Sabado, Agosto 24, pumasok ang mga PNP personnel sa compound ng KOJC.

BASAHIN: 2,000 pulis, hinalughog KOJC compound para kay Quiboloy

Mariing kinondena ni Roque ang paglusob ng mga PNP sa compound.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

"Mariin nating kinokondena ang ginawang paglusob ng mga armadong pulis sa Kingdom of Jesus Christ Compound (KOJC) kaninang madaling araw. Thousands of Philippine National Police personnel stormed the compound at 5am to serve a warrant of arrest against Pastor Apollo Quiboloy," anang dating presidential spokesman sa isang pahayag

"Imbes na gamitin ang libu-libong pulis para hanapin ang mga nawawalang bata at panatilihin ang kaayusan dahil talamak na naman ang holdapan, nakawan at rape sa Pilipinas, sila ay nasa Davao City para tugisin ang iisang tao," dagdag pa niya.

Binigyang-diin ni Roque na hindi raw terorista si Quiboloy.

"Hindi terorista si Pastor Quiboloy. Mapayapa ang mamamayang bumubuo sa KOJC. Nakakalungkot na ang law enforcers ay naging law breakers.

"Walang batas batas na sinusunod sa ilalim ng Bagong Pilipinas. Hindi makatarungan ang kanilang ginagawa na labag sa proseso ng pag-isyu ng warrant," aniya pa.

Sa huli, nanawagan siya kay Pangulong Bongbong Marcos. Aniya, "I call on the President to end this madness. Ibalik natin ang katinuan sa lipunan."

Samantala, sa hiwalay na pahayag. Sinabi ni Roque na sa ilalim ng 'Bagong Pilipinas' ni PBBM, binalewala na ang karapatang pantao.

"Arrest warrant is not a license for widescale invasion and take over specially of religious property! Sa Bagong Pilipinas, binalewala na ang karapatang pantao! #ProtectThePeople."