January 15, 2025

Home FEATURES BALITAnaw

BALITAnaw: Bakit hindi na tinatawag na planeta ang Pluto?

BALITAnaw: Bakit hindi na tinatawag na planeta ang Pluto?
Courtesy: NASA/JHUAPL/SwRI

Noong Agosto 24, 2006, 18 taon na ang nakararaan mula ngayon, inalis ang Pluto bilang ika-siyam na planeta sa solar system.

Ngunit, ano nga ba ang dahilan kung bakit hindi na tinatawag na planeta ang Pluto?

Ayon sa National Aeronautics and Space Administration (NASA), ang International Astronomical Union (IAU) ang nag-reclassify sa Pluto bilang isang “dwarf planet” noong 2006.

Base sa panuntunan ng IAU, hindi raw na-meet ng Pluto ang lahat ng tatlo nitong criteria para tawagin itong full-sized planet.

BALITAnaw

#BALITAnaw: Ilang oras inabot ang Traslacion taon-taon sa nakalipas na isang dekada?

Narito ang tatlong criteria ng IAU para sa mga planeta:

1. It is in orbit around the Sun.

2. It has sufficient mass to assume hydrostatic equilibrium (a nearly round shape).

3. It has “cleared the neighborhood” around its orbit.

Paliwanag ng IAU, na-meet naman ng Pluto ang dalawang naunang criteria, ngunit hindi raw nito nakuha ang ikatlo.

“In all the billions of years it has lived there, it has not managed to clear its neighborhood,” anang IAU. 

“You may wonder what that means, ‘not clearing its neighboring region of other objects?’ Sounds like a minesweeper in space!  This means that the planet has become gravitationally dominant — there are no other bodies of comparable size other than its own satellites or those otherwise under its gravitational influence, in its vicinity in space,” paliwanag din nito.

Dahil dito, anang AIU, ang anumang large body na hindi na-meet ang lahat ng naturang criteria ay tatawaging “dwarf planet,” tulad ng nangyari sa Pluto.

Bukod sa Pluto ay may apat pang kinikilalang dwarf planets sa solar system: ang Ceres, Haumea, Makemake at Eris.

Samantala, dahil sa pag-downgrade sa Pluto patungong dwarf planet, sa ngayon ay mayroon na lamang walong kinikilalang planeta sa solar system: ang Mercury, Venus, Earth, Mars, Jupiter, Saturn, Uranus at Neptune.