November 15, 2024

Home BALITA National

2,000 pulis, hinalughog KOJC compound para kay Quiboloy

2,000 pulis, hinalughog KOJC compound para kay Quiboloy
Photo: Keith Bacongco/MB

Nasa 2,000 Philippine National Police (PNP) personnel ang pumasok sa compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Davao City nitong Sabado, Agosto 24, upang isilbi ang arrest warrant ni Pastor Apollo Quiboloy at iba pang kasama nito.

Habang isinusulat ito’y wala pa rin umanong naaaresto ang kapulisan sa kanilang pagpasok compound.

Ilang mga miyembro ng KOJC naman ang nagprotesta sa naturang pagpasok mga pulis.

Hindi ito ang unang beses na nagtungo ang kapulisan sa KOJC para kay Quiboloy. Matatandaang noong Hunyo 10, 2024 nang pasukin din ng mga pulis ang KOJC compound para hanapin ang pastor.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

MAKI-BALITA: Mahigit 100 pulis, pinasok KOJC compound para sa warrants ni Quiboloy

Kasalukuyang nahaharap si Quiboloy sa kasong “ANTI-TRAFFICKING IN PERSONS ACT OF 2003 (RA9208 AS AMENDED BY RA 10364), REPUBLIC ACT 7610 (SPECIAL PROTECTION OF CHILDREN AGAINST ABUSE, EXPLOITATION, AND DISCRIMINATION ACT), AND CONTEMPT OF COURT.”

Kaugnay nito, kamakailan lamang ay inanunsyo ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na bibigyan ng ₱10 milyong pabuya ang sinumang makapagbibigay ng impormasyong magiging dahilan ng pagka-aresto kay Quiboloy.

MAKI-BALITA: P10M pabuya, ibibigay sa makapagtuturo kay Quiboloy -- Abalos