November 25, 2024

Home FEATURES

10 bagay na dapat mong malaman tungkol sa Pluto

10 bagay na dapat mong malaman tungkol sa Pluto
Courtesy: NASA/JHUAPL/SwRI

Noong Agosto 24, 2006, eksaktong 18 taon mula ngayon, nang opisyal na alisin ang Pluto bilang ikasiyam na planeta sa solar system.

Sa pagbabalik-tanaw sa naturang araw ng pagka-classify dito bilang “dwarf planet”, halina’t alamin ang 10 bagay na kailangan mong malaman tungkol sa Pluto, ayon sa National Aeronautics and Space Administration (NASA).

1. Small World

Nasa humigit-kumulang 1,400 miles (2,380 km) lamang ang lapad ng Pluto. Ito ay halos kalahati ng lawak ng bansang United States, o 2/3 ng lapad ng buwan ng Earth.

2. Deep Space

Nag-o-orbit ang Pluto sa araw nang humigit-kumulang 3.6 billion miles (5.8 billion km) ang layo, mga 40 beses ang layo sa Earth, sa isang rehiyon na tinatawag na “Kuiper Belt.”

Human-Interest

Traditional jeepney, mas maayos pa ring sakyan daw kaysa sa modern jeepney

3. Slow Journey

Ang isang taon sa Pluto ay katumbas ng 248 taon ng Earth; ang isang araw sa Pluto ay tumatagal ng 153 oras o humigit-kumulang anim na araw ng Earth.

4. Small in Size, But Not in Importance

Tulad ng nabanggit, noong Agosto 24, 2006 nang opisyal na inilagay ang Pluto sa kategoryang “dwarf planet.”

5. Hazy Days

May manipis na atmospera ng nitrogen, methane at carbon monoxide ang Pluto. May blue tint at distinct layers ng maninipis na ulap ang atmosphere nito.

6. Moon Dance

Mayroong limang “moons” o buwan ang Pluto, kung saan ang pinakamalaki ay tinatawag na Charon. Ayon sa NASA, dahil sa laki ng Charon ay nag-o-orbit ito at ang Pluto sa isa't isa na parang sila ay “double planet.”

7. Ringless

Ang Pluto ay walang ring system.

8. Sole Encounter

Dahil na rin sa layo nito, ang tanging spacecraft na nakalapit sa Pluto ay ang New Horizons ng NASA, na dumaan noong Hulyo 2015.

9. Harsh Habitat

Napakamalamig ng surface ng Pluto para maka-sustain umano ng buhay. Nasa -378°F hanggang -396°F (-228°C hanggang -238°C) daw ang temperatura ng surface ng dwarf planet.

10. From the Mouths of Babes

Taong 1930, iminungkahi ng English accountant at teacher na si Venetia Burney, 11 taong gulang pa lamang noong mga panahong iyon, ang pangalang Pluto para sa naturang dwarf planet.

Ilang bilyong taon nang nag-e-exist ang Pluto sa solar system, ngunit inalis ito bilang planeta noong 2006 dahil hindi raw nito na-meet ang isang kategorya ng isang full-sized planet.

BASAHIN: BALITAnaw: Bakit hindi na tinatawag na planeta ang Pluto?