December 23, 2024

Home BALITA National

1 KOJC member, patay sa gitna ng paghalughog ng PNP para kay Quiboloy

1 KOJC member, patay sa gitna ng paghalughog ng PNP para kay Quiboloy
(Keith Bacongco/MB; File photo)

Isang miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ang naiulat na nasawi sa gitna ng pagpasok ng nasa 2,000 Philippine National Police (PNP) personnel sa KOJC compound sa Davao City nitong Sabado, Agosto 24, para hanapin si Pastor Apollo Quiboloy at iba pang kasama nito.

Ayon sa ulat ng One Mindanao ng GMA News, sinabi ni P/Maj. Catherine dela Rey, spokesperson ng Police Regional Office (PRO) 11, na lalaki ang naturang nasawi at dead on arrival umano ito sa ospital dulot ng cardiac arrest.

Mula nitong Sabado ng madaling araw ay pumasok sa compound ng KOJC ang nasa 2,000 pulis upang isilbi ang arrest warrant ni Pastor Apollo Quiboloy at mga kapwa-akusado nito.

MAKI-BALITA: 2,000 pulis, hinalughog KOJC compound para kay Quiboloy

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Samantala, habang isinusulat ito’y wala pa rin umanong naaaresto ang kapulisan sa kanilang pagpasok compound.

Kasalukuyang nahaharap si Quiboloy sa kasong “ANTI-TRAFFICKING IN PERSONS ACT OF 2003 (RA9208 AS AMENDED BY RA 10364), REPUBLIC ACT 7610 (SPECIAL PROTECTION OF CHILDREN AGAINST ABUSE, EXPLOITATION, AND DISCRIMINATION ACT), AND CONTEMPT OF COURT.”