November 22, 2024

Home SPORTS

08/24 Black Mamba Day: Bakit nga ba minahal ng marami si Kobe Bryant?

08/24 Black Mamba Day: Bakit nga ba minahal ng marami si Kobe Bryant?
Photo courtesy: NBA (FB)

Isang five-time NBA Champion, multi-awarded NBA Player at Hall of Famer, ito ang legasiyang iniwan ni “Black Mamba” Kobe Bryant.

Kasunod ng kaniyang pagreretiro noong 2016, idineklara ni noo’y dating alkalde ng Los Angeles na si Eric Garcetti ang ika-24 ng Agosto bilang Mamba Day, isang araw matapos ang kanIyang kaarawan tuwing ika-23 ng Agosto. Pinili ang ika-24 ng Agosto dahil ito ang kapwa nag-uugnay sa 20 taon jersey number ni Kobe sa Lakers na 08 at 24.

Mula sa tuktok ng kanyang karera, taong 2020 nang ginulantang ng isang balita ang buong mundo. Kabilang si Kobe at ang kanyang anak na si Gianna, sa 7 nasawi sa isang helicopter crush sa Calabasas, California. Marami ang nagluksa sa biglaan niyang pagkawala kasama na ang malawak na basketball community ng Pilipinas.

Isa ang pangalang Kobe Bryant sa mga naging inspirasyon ng maraming matatagumpay na beteranong basketball players sa bansa tulad nina: James Yap, Mark Caguioa, Asi Taulava at Kiefer Ravena. Bilang isa sa pinakasikat na sports sa bansa, itinayo rin ang “The House of Kobe” sa Valenzuela at mga mural niya sa ilang local basketball courts sa bansa.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa 20 taong karera ni Kobe, hindi niya nalimutang lingunin ang masugid niyang Filipino fans. Katunayan 6 na beses niyang binalikan ang Pilipinas at taong 2016 limang buwan makalipas ang kanyang pagreretiro, ang kanyang naging huling pagbisita. Para sa libong tagasuporta ni Kobe, simbolo siya ng tagumpay at pagpapakumbaba. Ito ang dahilan kung bakit sa loob at labas man ng basketball court, makikita ang kanyang tatak sa Philippine Basketball. Sa bawat jersey number, sapatos at posisyon ng marami pang nangangarap na maging Kobe Bryant, nananatiling nakatatak ang nag-iisang Black Mamba.

Kate Garcia