January 22, 2025

Home BALITA National

'Suspicious' daw: Indonesian authorities, idinetalye paano nahuli kasamahan ni Alice Guo

'Suspicious' daw: Indonesian authorities, idinetalye paano nahuli kasamahan ni Alice Guo

Idinetalye ng mga awtoridad ng Indonesia kung paano nila nahuli ang mga kasama ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo. 

Matatandaang nitong Huwebes ng umaga, Agosto 22, inanunsyo ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na nabalitaan niya sa Philippine National Police (PNP) noong Miyerkules ng gabi, Agosto 21, ang pagkahuli sa dalawang kasama ni Guo na sina Sheila Guo at Cassandra Li Ong.

At nitong Huwebes ng hapon, nakabalik na sina Sheila at Cassandra sa Pilipinas.

BASAHIN: Mga kasama ni Alice Guo na nahuli sa Indonesia, nakabalik na sa 'Pinas!

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Sa isang press release ng Ministry of Law and Huwan Rights ng Indonesia, base sa ulat ng ABS-CBN News, na-flag ng immigration officers bilang "suspicious foreigners" sa Batam, Indonesia sina Sheila at Cassandra.

Napag-alaman ng awtoridad ng Indonesia na dalawang kasama ni Guo ay sakop ng liham ng gobyerno ng Pilipinas na nagpaalam sa kanila tungkol sa kaso ni Alice Guo at kasamahan nito, na tumakas umano ng Pilipinas at nagtungo sa Indonesia.

Dagdag pa ng ulat, sinabi ni Safar Godam, Director of Immigration Supervision and Enforcement ng Indonesia, na tinulungan ng isang Singaporean national ang grupo ni Guo para makapag-book ng hotel sa Batam.

"There was a person named ZJ (Singaporean citizen) who booked four rooms at the Harris Hotel Batam Center for the last 3 days. From the results of checking CCTV, it was found that ZJ was the party who helped them to make hotel reservations," ani Godam.

Gayunman, patuloy pa rin daw inaalam ang kinaroroonan ni Guo at ang kapatid nitong si Wesley Guo.

"Indonesian and Philippine authorities continue to coordinate to immediately arrest the two fugitives," dagdag pa ni Godam.