January 22, 2025

Home BALITA National

Smallpox vaccine, gagamitin ng DOH vs. Mpox

Smallpox vaccine, gagamitin ng DOH vs. Mpox
Photo courtesy: WHO

Plano ng Department of Health (DOH) na gamitin ang smallpox vaccine bilang proteksiyon laban sa mpox.

Ayon kay DOH Assistant Secretary at Spokesperson Albert Domingo, nagpaabot na ang DOH sa World Health Organization (WHO) ng intensiyon na mabigyan ang Pilipinas ng access sa smallpox vaccines upang magamit na proteksiyon laban sa mpox. 

Sinabi ni Domingo na base sa scientific findings, nakapagbibigay ang smallpox vaccines ng cross-protection laban sa mpox.

Gayunman, wala pang suplay ng naturang bakuna sa Pilipinas.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Paliwanag ni Domingo, inuuna muna kasing mabigyan ng mga naturang bakuna ang mga bansa sa Africa, kung saan nagkakaroon ng krisis dahil sa hawahan ng mpox.

Matatandaang una nang kinumpirma ng DOH na naitala na nila noong Agosto 18 ang unang kaso ng mpox sa bansa ngayong taon.