Naglabas ng bukas na liham ang producer ng upcoming film na “Dear Satan” matapos batikusin ng maraming netizens ang titulo nito.
Sa Facebook post ng Mavx Productions, Inc. nitong Biyernes, Agosto 23, sinabi nila na humihingi sila ng paumanhin sa naidulot nitong hindi maganda.
“It was never our intention to hurt or disrespect anyone's religious beliefs. Our aim has always been to create content that entertains while conveying meaningful messages,” pahayag ng Mavx Productions.
Paliwanag nila, ang konsepto umano ng “Dear Satan” ay galugarin ang tema ng kabutihan laban sa kasamaan habang itinatampok ang isang inosenteng bata na ginagabayan ng pananampalataya at kabutihan ng Panginoon.
“The concept behind "DEAR SATAN" was conceived with the goal of exploring the theme of good versus evil, showcasing how an innocent child, guided by faith and the goodness of the Lord, can resist temptation and embody the virtues of righteousness,” anila.
Dagdag pa nila: “The film is a narrative about the power of faith and the triumph of good over evil. We wanted to illustrate that, despite the presence of evil in the world, faith and virtue can prevail.”
Gayunman, bilang respeto at pag-unawa sa alalahanin ng mga manonood, nagpasya umano ang Mavx Productions na palitan lang umano ang titulo ng pelikula.
“We believe this change will help align the film more closely with its moral core and ensure that it resonates positively with our audience,” saad nila.
Sa huli, inanyayahan nila na sana ay panoorin pa rin ng mga tao ang pelikula nang bukas ang puso at isip.