November 22, 2024

Home SPORTS

Pagdadagdag ng gymnastics at weightlifting sa UAAP, magandang mithiin —Padilla

Pagdadagdag ng gymnastics at weightlifting sa UAAP, magandang mithiin —Padilla
Photo Courtesy: Robin Padilla (FB), Hidilyn Diaz, Carlos Yulo (IG)

Nagbigay ng reaksiyon si Senador Robin Padilla kaugnay sa plano ng University Athletics Association of the Philippines (UAAP) na idagdag ang gymnastics at weightlifting sa liga.

Sa Facebook post ni Padilla nitong Biyernes, Agosto 23, sinabi niya na magandang mithiin umano ang nasabing plano ng UAAP.

“Magandang mithiin ito. Paigtingin din ang suporta sa mga unibersidad sa Boxing /Martial arts/ football. Contact sports,” aniya.

Ang nasabing plano ng UAAP ay nag-ugat matapos magmarka sa kasaysayan ng sports sina Philippine's first Olympic gold medalist Hidilyn Diaz at two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

MAKI-BALITA: UAAP Board binabalak idagdag ang gymnastics, weightlifting sa liga

Matatandaang nasungkit ni Diaz ang kaniyang gintong medalya sa ginanap na Tokyo Olympics noong 2021. Nakuha naman ni Yulo ang kaniyang dalawang gintong medalya sa floor exercise at vault finals ng men's artistic gymnastics sa katatapos lang na 2024 Paris Olympics.

MAKI-BALITA: The Golden Boy: Si Carlos Yulo at kaniyang dalawang gintong medalya