November 22, 2024

Home BALITA Metro

Maynila, nakatanggap ng 235 units ng TV at ₱30M halaga ng medical instruments mula sa ICTSI

Maynila, nakatanggap ng 235 units ng TV at ₱30M halaga ng medical instruments mula sa ICTSI

Inanunsiyo ni Manila Mayor Honey Lacuna na tumanggap sila mula sa International Container Terminal Services, Inc. (ICTSI) Foundation ng kabuuang 235 units ng 50-inch Smart television na ikakabit sa bawat silid-aralan ng Rosauro Almario Elementary School (RAES), gayundin ng P30 milyong halaga ng medical instruments para sa Gat Andres Bonifacio Medical Center (GABMC).

Kaugnay nito, pinasalamatan ni Lacuna sina ICTSI chair at president Enrique Razon, Jr.,  executive vice president Christian Gonzales at Foundation Deputy Executive Director Filipina Laurena sa donasyong kanilang ipinagkaloob sa newly-rehabilitated na 10-palapag na RAES, na tiyak aniyang pakikinabangan ng tinatayang aabot sa 7,000 estudyante mula sa Tondo.

“Napakaswerte po ng RAES.... 11 lang po ang naibigay naming TV e ang daming classrooms... sinagad ng ICTSI foundation  may 50-inch Smart TV nang mai-install sa classrooms... lahat ng classrooms ay magkakaroon na," ayon kay Lacuna. “Ayon sa experts, ang paggamit ng Smart TV ay lubos na nakapagpapahusay sa ugnayan ng mag-aaral sa pamamagitan ng visual aid.  Dati mga paper, cards, illustration boards pero ngayon hi-tech na talaga, para din mapanatili ang interes ng mga mag-aaral.”

Tinukoy rin naman ng alkalde ang pangangailangang yakapin ang moderno at innovative na pamamaraan sa pagtuturo sa mga mag-aaral.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

“Kami po sa pamahalaang-lungsod ay di mahihiyang manghingi.  Alam nyo naman na di sapat ang pondo natin kaya  masuwerte tayo at may mga kaibigan tayong gaya ng foundation na ni minsan ay di kami hinindian,” ani Lacuna, na ang tinutukoy ay ang ICTSI.

Aniya pa, “Sana ay lalong mapalawak ng ating mga guro ang pagtuturo sa paralan... salamat sa inyong busilak na puso at muli ang aming taos-pusong pasasalamat.  Makakaasa po kayo na ang amin pong mga paaralan ay talagang magsisikap na maitaas ang antas ng edukasyon.”

Nanawagan din naman ang alkalde sa mga guro na pangalagaan ang mga teaching equipment na ipinagkakaloob sa kanila. 

 Aniya, "Sa mga guro na magsispaggamit ng Smart TV, ang pakiusap ko ay ingatan po natin ito dahil hindi lahat ng oras ay may mabubuting tao na tumutulong sa atin. Alam ko na sa inyong tiyaga ay malaking kaginhawaan sa inyong parte at maipagyayabang nyo po sa ibang guro na tulad nyo na kami sa RAES talagang high-tech na.”

Samantala, inihayag cin ni Lacuna na nagpadala rin ng tulong ang ICTSI sa GABMH, na pinamumunuan ni Director Dr. Ted Martin.

Ayon kay Lacuna, nagkaloob ang foundation ng P30 milyong halaga ng mga top-of-the-line medical instruments para sa ENT department, na inaasahang pakikinabangan ng mga residente ng Tondo.

Ang bagong gusali ng RAES ay matatandaang pinasinayaan ni Lacuna noong Enero lamang.

Mayroon itong 227 silid-aralan, na pawang fully-airconditioned, 12 tanggapan, library, canteen, auditorium, gymnasium, dalawang outdoor basketball court na may retractable goal na convertible sa football field, dalawang roof deck outdoor sport at exercise area, walong elevator units at pitong stairs node