November 22, 2024

Home BALITA Probinsya

Caption ng Antipolo mayor sa post tungkol sa car accident, umani ng reaksiyon

Caption ng Antipolo mayor sa post tungkol sa car accident, umani ng reaksiyon
Photo courtesy: Jun-Andeng Ynares (FB)

Umani ng reaksiyon at komento ang deskripsyon ni Antipolo mayor Jun-Andeng Ynares sa isang car accident sa Cloud 9, Barangay Sta. Cruz kamakailan.

Sa Facebook post ng mayora noong Agosto 17, makikita ang larawan ng isang SUV na napatagilid sa kalsada. Ligtas naman daw ang may-ari at nagmamaneho nito.

"Naaksidente ang isang SUV sa Cloud 9, Brgy. Sta. Cruz. Hindi basa. Hindi madulas. Walang ulan. Hindi madilim. Wala ring concrete barrier na pwedeng bumulaga ... pero nadisgrasya pa rin," aniya.

"Naitayo na ang sasakyan salamat sa ating mga pulis at OPSS na nagresponde sa lugar. Safe ang driver at wala namang nasaktan."

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

"Sa ating mga motorista, ingat po tayo sa pagmamaneho sa lahat ng oras," paalala niya.

Salamat naman daw sa Diyos at ligtas ang driver nito, subalit hindi maiwasan ng mga netizen na maaliw sa deskripsyon ng alkalde sa nangyari.

"in short 'agnat' ung driver."

"naging Palaisipan pa tuloy ANO ang tawag sa driver?"

"Dimo nalang sinabing 'tanga' ang nag drive Yorms."

"Kulang nalang sbihin tanga e."

"Shunga 'yong driver in short hahaha."

"Mayor pwede naman po straight to the point Realtalk na lang po."

Ngunit may mga "seryoso" naman at nanaway ng netizens na huwag i-misinterpret ang hirit ng alkalde.

"I think it's just a reminder from our LGUs Antipolo. Many tnx antipolonians..."

"Accident nga ehh dimo mssbi kusa dumarating kahit ano pa ingat mo bcare4l sa comments sino ba gusto ng Accident."

"feeling ko sobrang bilis nya tapos tumama sya"

"wala talaga makapag sabi ng aksidente. pero ang say ko jan dapat po ay palagi rin tayo nag iingat lalo na nasa manibela tayo. kung pagod man at inaantok mas mabuti wag na muna mag drive."

"it's either driver's fault or vehicle malfunction. pasalamat at walang nasaktan."

Maging ang online personality na si "Senyora" ay nakisali na rin.

"In short, tanga po ba Mayora?" tanong ni Senyora.

Pero tugon naman ng alkalde, "Senyora naku hindi po. Ang point po namin, anuman po ang condition ng kalsada, maayos man po ito, at ang panahon ay maganda din, tayo ay kailangan pa rin pong mag ingat sa lahat ng oras."

Sinagot din ni Mayor Ynares ang iba pang komento ng netizen patungkol sa caption.

"Ang punto po namin, anuman po ang condition ng kalsada, maayos man po ito, at ang panahon ay maganda din, tayo ay kailangan pa rin pong mag ingat sa lahat ng oras," aniya.