December 23, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Ano nga ba ang ibig sabihin ng PULANG ILAW sa isang ospital na ito?

Ano nga ba ang ibig sabihin ng PULANG ILAW sa isang ospital na ito?
Photo Courtesy: Makati Medical Center (FB)

Naglabas ng pabatid ang isang ospital tungkol sa pulang ilaw na makikita sa harap ng kanilang malaking gusali. 

Ayon sa Makati Medical Center, ang ibig sabihin ng pulang ilaw na makikita sa labas ng kanilang ospital ay nangangailangan sila ng dugo. 

“When these red lights in front of MakatiMed are switched on, it means that the hospital is in need of blood,” ayon sa Facebook ng MakatiMed noong Nobyembre 2023, na muling binalikan ng netizens. 

Dagdag pa nila: “If you happen to see them, our doors are open for your gracious donation — and we will be forever grateful.”

Human-Interest

BALITrivia: Si Santa Claus at ang kapaskuhan

Naglabas din ang MakatiMed ng ilang impormasyon kung may gustong mag-donate ng dugo. 

Maaari lamang magtungo sa MakatiMed Blood Bank na matatagpuan sa 2nd floor, Tower 2 ng nasabing ospital. Bukas ang tanggapan araw-araw mula 8:00 ng umaga hanggang 10:00 ng gabi.

At kung may katanungan man, maaaring tumawag sa (+632) 8888 8999 local 3016 o magpadala ng email sa [email protected].

Pero ano nga ba ang blood donation at ano-ano ang mga benepisyong maidudulot nito?

Ang blood donation ay mahalaga umano para sa mga indibidwal na sumailalim sa operasyon, humaharap sa trauma o malalang sakit, at nakikipaglaban sa cancer. Sa madaling salita, maaari itong makapagpanatili at makapagligtas ng hanggang tatlong buhay.

Pero hindi lang ang makakatanggap ng dugo ang mapapabuti at matutulungan. Dahil ang mismong nagbigay nito ay may benepisyong pangkalusugan ding makakamtan o matatanggap.

Sa isang segment ng UNTV na “Health Update Weather at Traffic” noong Hunyo 2023, ipinaliwanag doon na matutuklasan agad kung sakali mang may existing health problems ang isang blood donor. Bago kasi makapag-donate, kailangan munang sumailalim sa health screening.

Bukod pa rito, makakatulong umano ang pagdo-donate ng dugo para ma-monitor ang iron level ng isang tao. Hindi raw kasi mabuti sa kalusugan ang napakarami at kakaunting iron sa dugo. 

Mapapababa rin umano nito ang blood pressure at ang risk ng heart attack. Higit sa lahat, mababawasan din nito ang hindi magagandang kemikal sa katawan.

Kaya naman, huwag nang ipagkait pa ang pagkakataon na tumulong sa iba at matulungan ang sarili.