November 22, 2024

Home BALITA

1000 pulis, ipinakalat sa ika-26 anim na GenSan Tuna Festival

1000 pulis, ipinakalat sa ika-26 anim na GenSan Tuna Festival
Photo Courtesy: Police Station 9 General Santos City Police Office 12 (FB)

Ipinakalat umano ang 1000 pulis sa pagsisimula ng halos isang buwang pagdiriwang ng ika-26 na Tuna Festival para tiyakin ng lokal na pamahalaan ng General Santos City ang seguridad ng lugar.

Sa panayam ng Ronda Brigada kay Police Lieutenant Colonel Aldrin Gonzales kamakailan, sinabi nito na nakipagtulungan umano sila sa iba pang law enforcement agencies upang mapabuti pa ang pagpapatupad ng security plan sa naturang pagdiriwang.

Nag-meeting tayo. Coordinating conference with other law enforcement agencies para map=agtulungan ‘yong security plan na ginawa,” saad ni Gonzales.

“Nag-brainstorming tayo kung paano mapapa-improve pa ‘yong dating ginawang security plan. May mga lesson learned tayong in-address,” aniya.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Dagdag pa niya: “Hopefully, ‘yong security plan na ilalatag natin ngayon is maging successful.”

Samantala, ayon sa lokal na pamahalaan ng GenSan, itatampok sa nasabing pagdiriwang ang lokal na kultura, kasaysayan, at industriya ng tuna sa lugar na may temang "Lasa, Galing at Piyesta." 

Opisyal nang sinimulan ang Tuna Festival noon pang Agosto 19 sa pamamagitan ng Bakbakan sa Linangin ng Galing sa Palakasan. Nakatakda naman itong matapos sa Setyembre 5.