December 22, 2024

Home SPORTS

UAAP Board binabalak idagdag ang gymnastics, weightlifting sa liga

UAAP Board binabalak idagdag ang gymnastics, weightlifting sa liga
Photo courtesy: Philippine Sports Commission (FB)

Matapos umukit sa kasaysayan sina Philippine's first Olympic gold medalist Hidilyn Diaz at two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo, pinag-aaralan na umano ng University Athletics Association of the Philippines (UAAP) na maidagdag ang gymnastics at weightlifting sa liga.

Ayon kay Atty. Rebo Saguisag, executive director ng UAAP, minamatahan na nilang isama sa kanilang featured sports events ang mga nabanggit na Olympic champions sports ng bansa. Katunayan, sa pagkapanalo pa nga lang daw ni Hidilyn noong 2020, binalak na nilang buksan ang UAAP para sa weightlifting ngunit hindi na natuloy dahil sa pandemya.

Nilinaw rin ng Board of Trustees na hindi lang daw nakasalalay sa kanila ang pagdaragdag nito sa liga. Sa kasalukuyang polisiya nito, kinakailangang hindi bababa sa 4 mula sa 8 participating schools ang dapat sumali sa bawat kompetisyon. Sa nakaraang season 86, tanging De La Salle University, Ateneo de Manila University at University of the Philippines lang ang sumali sa 16 na sporting events ng liga.

Ayon sa BOT, malaking pondo ang kakailanganin ng mga paaralan sa pagdaragdag ng gymnastics at weightlifting sa liga para sa bagong equipments, training grounds, scholarships at mga bagong atleta.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“We want to elevate all sports simultaneously. We must continue to support and grow our current focus on volleyball and basketball while finding ways to uplift other sports without diverting resources from them,” dagdag pa ni Saguisag.

Kate Garcia