Hindi raw libro ang problema ng Pilipinas kundi ang kabataang mahina sa pagbabasa, saad ni Vice President Sara Duterte sa inilabas na opisyal na pahayag kaugnay sa isyu ng plagiarism o pangongopya sa kaniyang aklat pambatang "Isang Kaibigan" na umaani ngayon ng kritisismo dahil sa nagdaang senate budget hearing para sa Office of the Vice President (OVP).
Mababasa sa opisyal na pahayag ni Duterte na hindi siya nagsagawa ng plagiarism o pangongopya sa gawa ng iba, dahil ang kuwento ay halaw raw sa kaniyang pansariling karanasan. Isa pa, ipinaliwanag ni Duterte.
MAKI-BALITA: Kinopya sa Owly? VP Sara, pumalag sa mga sitang plagiarized aklat niya
"Mga kababayan, Napakadaling sumulat ng maikling kuwento batay sa sariling karanasan, hindi na kailangang mangopya pa. Ang proyekto ay para mahikayat ang mga bata na mahalin ang pagbabasa at sumulat ng sarili nilang kuwento."
"Hindi ang libro ang problema ng bayan kundi ang kahinaan sa pagbabasa ng ating kabataan," giit pa ng pangalawang pangulo.
Sa dulo ng pahayag ay sinabi ni VP Sara na magsusulat pa siya ng isa pang aklat para naman sa taksil na kaibigan.
"Abangan ninyo ang susunod kong isusulat na libro tungkol sa pagtataksil ng isang kaibigan," nakasaad sa huling talata ng opisyal na pahayag ng pangalawang pangulo, kaugnay sa isyung plagiarism.
MAKI-BALITA: May kasunod pa: VP Sara, susulat ng aklat tungkol sa taksil na kaibigan
Si VP Sara ay naging Kalihim ng Department of Education (DepEd) nang italaga siya mismo ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr., nang maupo na sila sa posisyon.
MAKI-BALITA: Briones, tinatanggap si Sara Duterte bilang DepEd Secretary
Ngunit makalipas ang ilang buwan ay bumaba siya sa puwesto at hindi na sumali sa gabinete ng pangulo.