December 23, 2024

Home SPORTS

Nag-selfie raw sa foreign athletes: North Korean Olympiads may parusa?

Nag-selfie raw sa foreign athletes: North Korean Olympiads may parusa?
Photo courtesy: Olympics

Usap-usapan ang parusang maaaring harapin ng North Korean athletes dahil umano sa selfie nila kasama ang South Korean table tennis players noong kasagsagan ng 2024 Paris Olympics.

Sumasailalim na raw sa ideological examination ang lahat ng mga atleta ng North Korea mula ng makabalik sila sa Pyongyang mula Paris noong Agosto 15. Ang naturang examination ay parte umano ng “non-socialist culture” ng bansa kung saan binubuo ito ng tatlong bahagi mula sa Central Party, Ministry of Sports at governing body ng kanilang koponan.

Mula nga sa nasabing polisiya, ikinaalarma ng marami ang kumalat na litrato ng kanilang table tennis Olympiad kasama ang ilang South Korean players. Nilabag umano nila ang direktang kautusan ng Central Party kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang anumang klase ng pormal na pakikipag-ugnayan sa foreign athletes. Ang litratong kumalat ay mandato ng Olympic Committee na tila “victory selfie” kung saan kasama nila ang Chinese at South Korean team.

Kaugnay nito, nauna na ring kinumpirma ng International Olympic Committee (IOC) noong Agosto 8 ang pagtanggi ng North Korean delegates sa Samsung smartphones na ipinamigay ng South Korea bilang isa sa main sponsors ng Olympics.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kate Garcia